Kabanata 23 Nang makarating si Peter sa inn, agad siyang tinuro ni Arturo sa ikalawang palapag nang banggitin niya ang pangalan. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at agad nagtungo roon. Maliit lang ang palapag na ‘yon kaya agad niyang nakita ang ikalawang pinto malapit sa hagdan. Halos lima lang din ang kwarto na nasa kaliwang bahagi ng pasilyo. Nadatnan niya si Kinro sa loob na nakaupo sa isang bakanteng kama habang nakatitig sa murklin na ngayon ay wala pa ring malay. Napatingin lang ito sa pinto at napatayo nang makita siyang dumating. “Ano ang balita?” tanong ni Peter habang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa malamig na sahig. Sa kabilang banda ay isa pang bakanteng higaan na may isang unan lang gaya ng kinauupuan ni Kinro. Wala roong kumot o kahit anong sapin. Isa lang din

