Kabanata 29 “Kinagagalak kitang makilala, munting manunulat.” Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng pagkapikon si Peter sa lalaki. Inaamin niyang malaki nga ang lalaki na halos anim na talampakan at mahigit ang laki, pero ayaw pa rin niya nang sinasabihan ng maliit o ng munti. Kahit sino naman ay ayaw matawag niyon. “Gaya ng sinulat ko, nakakainis ka nga talaga.” Malakas na natawa si Cylinder dahil sa tinuran nito. Tila nakalimutan na ng dalawang hindi lang sila ang naroon. Kung hindi pa nakaapak ang isa sa kanila ng isang putol na sanga ay tiyak makalilimutan nila ang presensiya ng lima. Hindi tuloy sila nagkaroon ng pagkakataon para makatakas. Akmang susugod ulit si Peter nang humarang si Cylinder sa kaniyang harapan. “Kung ako sa ‘yo, hindi ako lalapit sa kanila, lalo na sa is

