I can't never turn back time nor I can't never bring back the torn pieces into one.Hindi na maibabalik ang nakaraan at hindi na maaring maitatama ang pagkakamali. What was done was done.Hindi ko na dapat pang pag-aksayahanan ng mga luha at hinagpis ang taong ayaw ng magpakita sa akin at tila kinalimutan na lang ako ng ganun ganun na lamang. Bumangon ako sa higaan dahil hindi ako makatulog.Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang baso sa cupboard.Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso na nakuha ko sa loob ng ref. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa malamig na tubig na dumaloy sa aking lalamunan na pakiramdam ko kanina na nanunuyo na sa labis kong pag-iyak. "Pinapangako ko Enzo huling gabi na itong pagdadalamhati ko sa iyo, hinding-hindi na ako iiyak sa katulad mong walang kwenta!" malak

