ELIZA POV Maaga akong gumayak ngayon papuntang opisina. Tatlong araw na wala si Anton dahil may emergency meeting daw ito sa isang investor namin sa ibang bansa. Umalis ito ng hindi kami nagkakaayos at hindi man lang nagparamdam o tumawag. Talagang tinotoo nito ang kanyang tampo sa akin. Sinabihan naman ako ng sekretarya nito na ngayon ang balik ni Anton at dederetso daw agad ito sa opisina sa daming nakatambak na papeles nitong dapat pag-aralan at pirmahan. Naiinis man ako kay Anton ay hindi ko na lang pinairal ang aking pride dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nagtatampo. Gusto siguro ni Anton na ako na naman ang maunang sumuyo sa kanya. Siya lage kasi ang nagpapakumbaba sa aming relasyon at laging umiintindi sa akin. Siguro naman walang masama kung ibaba ko paminsan

