Kapit... "Bakit hindi kami pwedeng sumama? Sama din ako! Grey sama tayo!" pagmamaktol ni Lexo na ikinasimangot ko ng tuluyan. Bwisit talaga ang bubuwit na to. Pinagpag ko ang suot kong pantalon at sinikap na hindi hatakin ang hoodie ng bansot na to para maibaon ko siya sa sofa. Isa siyang damulag na rabbit. Bakit ba hindi nagmamature ang batang ito? Sila ni Ulap, palaging gusto ko silang durugin. "Hayaan mo na sila Gold. Play na lang tayo ulit. Ayaw ko lumabas ng bahay baka magising si Lan. Ilang days na nga siya wala e. Please dito na lang tayo," and she did it. She pouted, her hands clasped together at kahit sino yata ay lalambot ang puso kapag ganyang mukha ang umuungot sa'yo. With her pink pajamas and her hair tied in a pig-tail, sinong demonyo ang babasag sa trip ng batang ito?

