Ikaw ba?... "Goddamn it Xandria, akala ko ba ay alam mo? Teka lang, parang gusto kitang sakalin e," Stress na stress ako na tinakpan muna ang aking tengga para hindi na marinig ang pagbubunganga nitong si kuya. Habang nagtatagal itong bwisit na 'to nagiging bungangero. Tama nga yata ang hinala ko na gay 'tong si kuya e. Though wala naman sanang problema kung baklita siya dahil 'di naman siya itatakwil ng pamilya pero kawawa naman 'yong mga fangirls ni kuya pag nagkataon, pareho sila ng type. "Nakalimutan ko lang yung mismong address, huwag mo kase akong madaliin. Kase naman may sundo kami kapag napapadalaw kami dito. Ngayon lang ako magdadrive papunta, siyempre tulog ako sa byahe 'di ba?" asik ni Xandria. It's been a few hours since our plane landed here in New Jersey. Dito pala naka

