Best friend... "Leave, I don't wanna talk," Hindi ko na inulit ang aking sinabi at nagtalukbong na lamang. Nadinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga ni kuya na sa malamang ay tumambay na naman sa couch dito sa loob ng aking kwarto. "Hindi naman kita kakausapin. Matutulog ako," napairap ako kahit pa nga hindi naman niya nakikita ang aking mukha. Pinunasan ko ang luhang parang gripong may tagas na panay na lamang ang pagtulo. Minsan ay titigil tapos ay ilang sandali ay muli na namang tutulo. Ang hapdi hapdi na ng mga mata ko at ang pangit pangit ko na. Wala akong ganang kumain. Kahapon nang umalis si Aedree ay ni hindi ko nagawang kausapin si Enzo dahil sa hindi na matigil ang aking pag iyak. I wasn't mad at him. Hindi ko magawang magalit sa kanya kase paano ba, ako naman ang may

