Adorable... "Bakit kasama mo si Ate Xantha?" gulat na tanong ni Alexo. Pasakay na sana siya sa harapan ng kotse ngunit agad ding naisara iyon tsaka lumipat sa likuran para tabihan ang kakambal. Si Grey, nang makita ang kotse ay mabilis na nakapasok sa loob at ni hindi kami binati. Kahit hindi ko nakikita ng buo ang kanyang mukha ay alam kong salubong ang kilay ng bansot na ito. Humalukipkip ako at sinamaan muna ng tingin si Aedree na malawak na ang ngisi na nakapaskil sa pagmumukha. Siya lang yata ang natutuwa sa mga pangyayari. "Wear your seatbelts. Ikaw Lantis, bilis," nakatingin si Ae sa rearview mirror habang kausap ito. Hindi ko na din napigilang lumingon. "Ako na, sobrang tagal, bilis, alis na tayo!" napalingon ako sa likuran at nakitang mabilis na naisuot ni Lexo ang seatbelt n

