16

1922 Words
Sinaktan... "Hi, I'm Stephen..."  Nilampasan ko ang nakangising mukha ng lalaking walang pag aalinlangang sumalubong sa akin sa ikatlong araw ng klase, my face not showing any emotion.  Adjusting the frame of the glasses I was wearing, pinili kong umupo sa unahan ng room lalo pa nga't napakaraming lalaki akong kaklase sa subject na ito.  Nilapag ko ang mga librong aking hawak sa lamesa at inilagay ang aking bag sa gilid. Nadinig ko namang nagtawanan ang mga kasama ng nagpakilalang Stephen.  It's just the third day of school pero ang aga nilang lumandi. Ganito ba kapag college? "Pre wala ka pala e. Palyado na talaga yang mukha mo. Kahapon ka pa hindi pinapansin niyang crush mo!" "Oo nga! First year na 'yan pero wala ka pa din," Hindi ko na lamang pinansin ang kantyawan nila. I heard they were second years na nagretake ng subject na ito dahil naibagsak last year.  And they have the guts to even talk to me. Sinuklay ko ng kamay ang aking buhok at tumingin sa harapan.  I don't know anyone in the class dahil tulad ng dati ay hindi naman ako mahilig makihalubilo.  Ngayong araw ay late akong dumating ng ten minutes dahil tinanghali ako ng gising. Nagvideo call kase kami ni Enzo kagabi. Napabuntong hininga ako.  I miss him. Kahit naman anong gawin ko ay hindi ko siya matitiis kaya sinagot ko na din ang tawag niya dahil namimiss ko na din ang best friend ko.  Napailing ako. Two minutes na lang aabot na ng fifteen minutes. One thing I've learned during my first day of class - sa college, kapag fifteen minutes na at wala la ding professor, pwede ka ng umalis.  Naramdaman ko na may umupo sa bakanteng upuan sa aking kaliwa. "Miss, alam mo bang ang ganda mo? Tamang tama bagay tayo..."  "Boom! Puta Steph, wala ka bang medyo bago? Aamagin ka sa banat mo ah!" "Mga ulol huwag kayong maingay, nahihiya lang sakin tong si Miss beautiful dahil pinansin ko!" Gusto kong mapaismid. What a lame banat. Napansin ko pa ang pag ngiwi ng iba kong mga kaklase. I feel like the other girls were so thankful dahil hindi sila ang iniistorbo ng lalaking mukhang pison na ito. I noticed him in class the first day. Not because kapansin pansin siya but because nagpapapansin siya. He was like those typical rich kids... And a bully... And ugly... My eyes drifted towards my left hand to check on my wrist watch. One minute... Isang minuto na lamang ay pwede na akong tumambay. This class was suppose to be an hour and a half. Mabuti na lamang din ay may susunod naman akong klase. Kung hindi darating ang prof ay makakapag breakfast ako. I'm craving for some pancakes and a brewed coffee. "Miss," napalingon ako sa kanyang gawi ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bigla akong kinilabutan at walang pag aalinlangang hinatak ang aking kamay palayo sa kanya. Tumaas yata lahat ng aking dugo sa ulo at gusto ng kuhanin ang alcohol sa aking bag at ipaligo iyon sa buo kong katawan. Parang gusto kong manginig sa sobrang galit. Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang ikinagulat niya. Nakaparte ang kanyang mga hita at nakaumang na sa aking gawi ang kanyang katawan. He looks so disgusting. Really disgusting! Nakakadiri! Nadumihan niya ang kamay ko! "Miss, ako lang to, future mo..." nang muli siyang magtangkang lumapit at talaga namang hinampas ko ng aking kamay ang aking lamesa. Sobrang lakas niyon at lumikha ng nakabibinging ingay sa loob ng room. Nanggigigil ako. Sasapakin ko to! Napansin ko na ang mga matang napunta sa aming gawi at tila nagulat sa aking inasal. Kumukulo ang aking dugo at ang mga librong nasa itaas ng aking lamesa ay biglang gusto kong ipaghahagis sa mukha niya tutal ay wala namang masisira doon! "Miss?" napaayos siya ng kaunti ng upo. Nakita ko ang pagkabura ng mga nakakalokong ngiti sa mukha ng mga tropa niyang bulate. "Kaya ba hindi mo naipasa tong minor subject na to last year dahil bobo ka? Kase hindi ka makaintindi? Hindi mo ba napapansin na naiirita ako sa pagmumukha mo?" tuloy tuloy ang aking bunganga at wala na talagang preno sa pagsasalita.  This is why I hate talking. Kapag nag umpisa na ako ay parang gusto ko ng pumatay gamit ang aking dila. I can tolerate silly girls in high school but not a grown up man na mukhang mamanyakin ako. Bumahid ang galit sa kanyang mukha at tumayo na sa aking harapan. Nakapamaywang pa ito. Akala naman niya ay maiintimidate ako sa pagmumukha niya. "Ang bastos ng bibig mo ah! Hindi mo ba ako kilala?" galit niyang sigaw. Lumabas na ang mga litid sa kanyang leeg and I kind of feel bad for being glad that he looked pissed. Great, because I am equally pissed like he is. Tinignan ko ulit ang aking relo at nakumpiram na lumampas na sa fifteen minutes at wala pa ding prof. Tumayo ako at dinampot ang aking libro at bag bago siya galit na hinarap. And I made sure he sees it, my resting b***h face. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mabagal iyon at ipinahalata talaga ang aking ginagawa. "I know you. Ikaw yung manyak na humawak sa kamay ko kanina without my consent. And in case hindi alam ng maliit mong utak, that's s****l harrassment," napaayos siya bigla ng tayo sa aking tinuran at dahan dahan ng ibinaba ang mga kamay na kanina ay nakapamywang pa. "Kung ayaw mong mag college behind bars, huwag kang lalapit sakin dahil hindi mo din ako kilala. I can introduce myself to you in so many painful ways that you'd wish you never met me,"  Parang may bombang sumabog sa loob ng room at lahat ay nakatingin na sa aking gawi.  Laglag ang kanyang panga at may bahid ng takot sa kanyang mukha. Napansin ko pa ang kanyang naging paglunok tanda ng pagkagulat. Iginala ko ang aking mata sa paligid. I didn't want to impose but I hope everybody got my message. Ayaw ko ng nilalapitan ako. After that incident, I felt how a lot of people try to avoid me especially those na nakakasama ko sa klase. At mas gusto ko iyon dahil ayokong nakikipagsalamuha sa kanila. Nasanay ako ng walang kinakausap at kung mayroon man ay lalapitan lamang nila ako kapag may mga groupings o projects. That's how my first semester was like. Papasok ako sa klase at aalis na parang walang kakilala. Didiretso ako sa bahay na malapit lang sa school at ni hindi lalabas para gumala.  People knew not to mess up with me. And I like that so much. Tahimik na buhay, mas maganda. It was exactly two weeks before the school year ends when I ended up walking to the hallway of the building opposite to where my classes usually are.  Pinatawag ako ng aking professor para sa report na aking ginawa.  Inaantok na nag inat ako ng bahagya. There are a few students na napapatingin sa akin lalo na ang mga lalaki. I am still wearing my glasses kahit pa nga wala namang grado iyon and kinda hoping na maitatago nito kahit kaunti ang aking mukha. I even had my hair cut in the salon at nagpalagay ng bangs.  Napaismid ako. Hindi ako pangit and I am aware of that. Sa pagtagal ng panahon ay mas lalo ng nahulma ang hugis ng aking katawan at kahit pa nga ayaw ko ay hindi pa din naiiwasan na may napapaalingon sa aking mga lalaki, even girls.  What can I do though?  Pinagtaasan ko ng kilay ang isang babaeng lantaran akong hinagod ng tingin mula taas baba. I was wearing a comfy black shirt with a cute print in the middle and a fitted denim pants. I partnered it with my white sneakers habang ang aking buhok ay nakatali paitaas. I don't need to wear a heavy makeup dahil natural naman na makinis ang aking mukha. Just a little powder and and a lip stain does its job for me. Insecurity is so evident in her eyes. What is she, a sophomore? So in return, pinagtaasan ko siya lalo ng kilay bago siya nilampasan. Paliko na sana ako sa isang pasilyo ng may madinig akong sumigaw. "Kuya ayaw kong kasama si Lantis!" "Huwag kang masyadong maingay Ulap..." Napahinto ako sa paglalakad at halos pigilin na ang sarili sa paghinga. Ulap? Napalunok ako. Ang lakas ng naging kabog sa aking dibdib at sobra akong kinabahan dahil sa naiisip.  Oh God. Naikuyom ko ang aking mga palad at talaga namang hindi ko na alam agad ang gagawin. Lord, magpapakabait na ako. Huwag naman po, please... Dahan dahan akong lumingon at nanlaki ang aking mga mata ng makita si Ulap at si Chase na naglalakad sa hallway.  They were walking like they are on a runway and got every eyes on them. Simpleng tshirt lang na puti ang suot ni Chase at itim na pants habang si Ulap  aman ay naka white long sleeves at cream pants. Sobrang carefree lang at comfortable. Nakasabog ang inis sa mukha ni Ulap habang si Chase ay pinisil lamang ang mukha ng kakambal.  I heard a few girls squealing, tila hindi kinakaya ang softness ng kambal.  Parang may tambol na nagmamalfunction sa loob ko. If they are here, then... "I need to go to class. Umuwi ka na at samahan mo siya," "Nandoon naman si Kuya Ae, wala siyang pasok!" Nang malapit na sila sa aking gawi ay mabilis akong napatalikod.  I'm not sure if they can still remember me or recognize me but despite not seeing them for years, imposibleng makalimutan ko ang pagmumukha ni Ulap na gigil na gigil akong pisain dati. They were no longer the same kids I knew.  Ang lalaki na nilang tao at kahit pa nga aware naman ako dati how heavenly their visuals are, para tuloy gusto kong maawa sa ibang mga students dito dahil magmumukha silang tipaklong kapag naitabi sa kanila. Nang makalampas sa gawi ko ang dalawa ay nalakapit ako sa pasilyo dahil ngayon  ko naramdaman ang panghihina ng aking tuhod at pigil pigil ko na pala ang aking paghinga. Sinapo ko ng aking kamay ang aking dibdib at dinig na dinig ang malakas na t***k niyon. Shit.  Ibig sabihin ay pwede ko din makita dito si Aedree? Sa naisip ay parang nagflash bigla sa utak ko ang malawak niyang ngisi at mapupula niyang mga labi.  Napalunok ako.  Kung sila Ulap ay ganyan na ang itsura, paano pa kaya siya? Napaayos ako ng tayo ng may parang malakas na tambol na naman sa loob ko. Para akong mabibingi at talaga namang kabadong kabado na. What if may isa sa kanila na makakita sa akin? Ilang buwan na ako sa paaralang ito pero ngayon ko lang sila napansin. Now, I wanted to scold myself for being too unbothered with my surroundings. Paano na lamang kung nakasalubong ko si Aedree bigla? Sa naisip ay bigla akong napaikot at halos takbuhin na ang landas pabalik sa totoo kong college building. Bahala na yung prof ko. Tutal sure ako na wala namang mali sa ginawa ko.  Just thinking about seeing that man again made me lose my cool.  I'm not ready and I don't wanna see him. I can't see him because I know seeing him again will remind me of the past. Because as much as I hate to admit, I was hurt back then.  Hindi ko maamin but I'm not stupid not to realize. Para sa akin, sinaktan ako ng isang Aedree Simon Puntavega...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD