Fly... "Hindi mo pa rin ba kakausapin ang kambal?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kanyang braso ngunit hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng mga dokumento sa knayang study table. He was wearing his glasses and usually, I find him hot looking like this but now is a different case. Dalawang araw na siyang ganiyan, nililibang ang sarili at nag uuwi ng trabahong hindi naman niya kailangang tapusin. I feel like he's using work as an excuse para maiwasan ang mga kapatid. "Matatanda naman na sila at kaya na nilang magdesisyon ng sarili nila. They don't need me," sagot nito. Ibinaba nito ang papeles na hawak bago dumampot ng panibago. Gusto ko sanang sabihin na intindihin niya ang kambal ngunit hindi ko naman siya gustong pilitin sa bagay na iyon. Bilang kuya nila, alam k

