Really really hard.... "Ikaw na mauna, ikaw ang apo e," Kumunot ang noo ni Aedree sa aking tinuran. "We're married, so technically speaking, lola mo na din ang lola ko," Pinanlakihan ko siya ng mga mata habang ang aking mga kamay ay nakakapit pa rin sa kanyang braso. Sa totoo lamang, I was shaking in nervousness. Kinakabahan ako bigla sa lola niya. Pinagpag konng isa kong kamay ang suot kong puting bestida. Sleeveless iyon habang ang aking buhok ay nakalugay. After three days of being together, isa sa mga gwardya ni Aedree ang nagsabi na pinapatawag daw sila ng lola nito. She must have learned na nasa Amerika kami kaya ipinatawag nito agad si Simon. So now, we're standing just right outside their mansion - or palace, kung ano ba ang mas angkop na tawag doon. "Bakit ka ba natatakot e

