Proposal... "Bakit mo shinoot sa gravy, Ulap! Oh my God!" tili ko at napanganga na lang sa nangyari. Natakpan ko ang aking labi at para na ding sasabog ang aking utak. That's a four carat diamond ring! Mahal pa yata ang singsing na binili ni Chase kaysa sa bahay namin! Si Ulap ay napakamot pa sa kanyang ulo at inosente pa ang pagkakatingin sa amin. "Hala, saan ko isu-shoot, butasin ko 'yung chicken? E baka mabadtrip si Andeng kung may bawas! Ang takaw takaw pa naman niya!" I looked at Chase at mukha na siyang aatakihin sa puso dahil sa sobrang taranta ngunit nagawa pa ring ipagtanggol ang nobya, "Hindi matakaw si Andrea, Ulap. She just craves for it," "Ay same tayo ng naisip kuya Ulap. Ako nga, ilalagay ko sana sa coke niya na may asin para fresh," si Lexo na malawak na malawak pa ang

