CHAPTER 09

1588 Words
A special dinner  preparation for my mom's birthday. Well a simple one prepared by yours truly and of course with my best bud, who is actually besides me, "Ayown..... ayos ba tol?" Tanong ni Brino ng sindihan nya na ang kandila. Hindi agad ako tumingin sakanya, dahil sa kakaupo ko palamang ay sinusulit ko nang laruin si Floppy Yup, my pet is with us too "Nabobored ka na Floppy?" Pakikipagusap ko sa alaga ko. Bigla namang umakto si Brino na parang nabaril mula sa dibdib. "Ugh!" Nakuha niya ang attention ko. Kumapit sya sa mesa at waring mamamatay na. Dahan dahan syang lumuhod na kunwari ay iniinda ang dibdib bago— sumaklay ito saakin na nag mamakaawa, kala mo naman kung hirap na hirap na talaga siya. I frowned at him, watching. He look stupid for Pete's sake! I chuckled not breaking an eye contact. " M-Mas kinausap ka pa kaysa saakin? " tunog matanda ang boses niya na pinapaos na. "Mas m-mahal ka ba niya kaysa saakin?!" Natawa ako sa kalokohan nya. Tinulak ko ang mukha nya at nagpati-higa naman sya sa d**o. "Ayos lang tol, hindi naman masakit " he jerk his thumb, staring blankly on the dark stary sky. Napa-iling akong ibinalik ang attention kay Floppy " Wag mo gayahin yun, mukhang tanga yun" saad ko habang tinitignan si Floppy sa mga mata. "Yow! I'm the human here?! Mas masasagot kita kaysa ng hamster na ni minsan sa talam-buhay ko! HINDI PA NAGSASALITA NG SALITANG TAO!!" Sigaw ni Brino na nakahiga parin sa lupa. "Floppy may naririnig ka?" Saad ko at asar na sumigaw lang si Brino. Napatakip lang ako ng tenga at natatawang tinadyakan ang paa nya para tumigil siya "Eh, nakaka bwisit ka Tron! Para naman akong tanga na nagsasalita hindi ka man lang mag effort sumagot!" Pagrereklamo niya I just laugh at him. Maya't-maya  ay may maid na  papunta sa direksyon namin ni Brino. Napaupo naman si Brino ng mapansin nya rin ito"Sir, mukhang pababa na po si Madam" nag ayos na kami ni Brino at sinalubong ang paglabas ni mama. Pinapasok ko narin sa maid ko si Floppy at binati namin ni Brino si Mama pagkalabas nito. "Happy birthday, mom" I kissed her in her cheeks samantalang niyakap siya ni Brino "HAPPY BIRTHDAY TITA!" Puno ng siglang bati ni Brino. Thanks to him, dahil roon natawa onti si mama dahil hindi naman ito mukhang masyadong masaya. "Naku tita, tumatanda na kayong maganda parin,ah regalo ko po!" Iniabot ni Brino ang regalo niya kay mama. Tipid lang na ngumiti si mama at tinapik ang pisnge nito, "Salamat Brino, Tron" lingon saakin ni mama at nginitihan ko lang sya pabalik "pero hindi niyo na sana ito inihanda" bakas ang pagkalungkot nya nang lingunin niya ang inihanda namin ni Brino. Napatikhim si Brino na bumalik sa tabi ko "Eh.... Tita Birthday  mo! Dapat nagce-celebrate parin tayo." Panunuyo ni Brino kay mama, siniko nya ako waring sabayan ko raw sya "Y-Yes ma, tama si Brino. Kahit tayo tayo nalang lalo na't hindi mo naman gusto ng grande, di tulad ng mga birthday mo noon" sabi ko pero naiinis ang expression sa mukha niya. "It's useless Tron, busy lang nanaman si Tavian. I wanted to celebrate with all of you, present!" Sabi niya saakin. Nagkatitigan  kami ni Mama at hindi ako nakasagot agad, napapakuyom  ako dahil sa tungkol nanaman ito kay Papa, si papa nanaman! And to think of it, hindi lang sa wala si Papa dahil sa may iba itong inaasikaso bagkus, Wala siya dito dahil nakalimutan niya rin ang kaarawan ni Mama. Mom, hissed and look away, "Bale wala rin naman ang lahat ng ito kung wala ang Papa mo" rinig naming bulong niya at nagalit na ako. "How can you say that!" Sabat ko at hinawakan lang ako ni Brino "Tron wag" It's her birthday but I think what more matters is my dad's presence. Pano niya nasasabing balewala ito kung ito ay para sakanya at hindi para kay Papa. Sinubukan ko magtimpi, ang bibigat ng hininga ko "could you just..... Could just stop it mom...... Mabubuhay ka naman kahit wala si Papa, ah!" At hinila ako palikod ni Brino para lang patigilin ako. Nilingon ako ni mama na may nanlilisik na, ns mata What?! Sakin pa sya mas galit?! Totoo naman mga sinasabi ko. Nasasaktan siya sa mga kaguhan ni Papa pero ano?! Bakit tinitiis niya parin? Isn't she tired? Ilang pasyensya at pagtitiis pa ang gagawin ni Mama para kay Papa? What I saw this afternoon was enough already, I'm pissed off with my Father. "How could you" turan ng nanay ko " Are you telling me, I'm so pathetic pleading for your fathers attention, Tron?!" galit nyang saad sakin at natigilan ako no.... "It's not-- "Siguro tinawanan mo na nga siguro ako, wala ka man lang hiya? I'm your mother! wala kang karapatan tignan na ganoon nalang kababa, You don't even know how strong being I am staying here for you father, for you and for this family" badya na akong susugurin ako ni Mama pero hinarangan lang siya ni Brino "T-Tita huminahon po kayo--  "Shut up!" duro niya kay Brino habang nangingilid na ang mga luha nito. While me, I'm so shock at the fact she chooses dad, I'm so shock at the fact  na ako pa ang mali... TANG*NA!  "Wag na wag mong sasabihan ng ganyan ang ama mo, kung hindi dahil sakanya wala tayo sa perehong kinatatayuan natin!" Bulyaw nya saakin at nasaktan ako roon, Anong sabi niya? My father?.... I scoffed unbelivable, Seryoso ba sya sa sinabi niya?!  Aalis na sana ako ng makita ako ang aking amang' kakalabas ng pinto, Parehong napatingin si Brino at si Mama kay Papa dahil sa pagkatigil ko. Biglang namutawi ang galak sa mukha ni mama, parang nawala ang unos at may magandang araw na sumikat "T-Tavian..." she slowly face his direction before running to him Ngumiti naman si Papa at sinalubong din si mama, nang yakapin niya ito, she cupped his face and I can see my mom's eye with an evedent joy and hapiness  "Happy birthday.." bati ng ama ko at may iniabot "Naalala mo......" napasinghap na turan ni mama I rolled my eyes "Oo naman" sagot ng ama ko, I laughed sarcastically. Pumamewang ako habang nakatingin sa ibang direksyong. marahas akong bumuntong hininga, nag-aalala akong tinapunan ng tingin ni Brino. B*llsh*t, I'm out of here, nag simula na ako naglakad paalis "Enjoy." mariin kong turan ng malagpasan ang mga magulang ko. Alam kong sinundan ako ni Brino, narinig ko rin kasi ang sigaw nito "Tol!" pero hindi ko siya hinintuan nagpatuloy lang ako. "Teka, Tron! Teka!" naabutan ako ni Brino ng pababa na ako ng hagdan pagkalabas ko sa main door ng mansion, naramdaman ko ang pagsalo niya sa balikat ko saka sya bumaba pa at huminto sa tabi ko. "saan mo plano pumunta?" nagaalala niyang tanong pero hindi ako sumugot. Napa-upo  ako sa hagdan at napa takip ng mukha,  I feel like I'm going to be depressed! Hearing some words from your mother could be the hurtful one in the whole word, I groan my pain and frustration. Hinagod naman ni Brino ang likod ko, I heard him sighed "Nakaka stress mga magulang mo, bwisit " natatawa nyang turan at maupo sa tabi ko. Hindi ko na maintindihan ang umaapaw na emotion mula saakin. To be honest, my whole life in this family is though. 4 years old, me was just watching them past by, not even glancing at me. I knew at that moment I lost their attention. I felt like I wasn't attached any at them, I was growing doing the move para lang makita nila ako, para mapansin nila ako, para maalalang may anak parin sila! My parents have, never ending problems since then— living me hanging alone, I always do the  initiation para lang may mangyari! At kung sino man ako ngayon? dahil yun saakin. dahil sa pagiging  matatag ko. Hindi ba iyun nakikita ni mom? Kung hindi man ako ang nasakatayuan ko ngayon ay malamang rebelde ang anak ng dalawang yan "hindi niya ba naiintindhan?" Ang gusto ko lang naman iparating ay magpakatatag siya. Hindi yung ganito? hindi yung hinahayaan niyang ganito. Hinahayaan niyang maapektuhan kahit simpling bagay na pweding ikasaya niya. Gusto ko siyang magpaka tatag bago pa sya tuluyang masira. Because I can't, I can't afford seeing my mom, miserable. I can't even stand watching her suffer. "Son." humugot ako ng hininga at umayos ng upo. Napabalikwas naman ng tayo si Brino at napaharap sa Papa ko "T-tito.." bati niya. "Brino" bati pabalik ni dad at tapikin ang balikat niya "Mauwi ka na sainyo, siguradong hinahanap ka rin ng mama mo" Napakamot ng ulo si Brino, siguradong tinatanong narin talaga ni Tita Brenda kung saang lupalok naroroon  itong si Brino. Oo matatanda narin kami pero iba talaga itong mag alala si tita Brenda, na naiintindihan naman ni Brino kung kaya't nag paalam na siya at umalis niya. Pagkaalis ni Brino, Walang gana akong napatikhim bago tumayo. Ambang lalagpasan ko na sana muli siya ng iabot niya saakin ang medyo palahaba na maliit na pulang kahon,  Kumunot ang noo kong napatingin roon,"I was on the same store where you reserved this for your mother's birthday" saad niya at doon ko lang naalala Kaya ako napadpad sa jewelry store na iyun ay dahil rito ngunit ng makita ko si Yrine at malamang si Papa ang kasama nito, I forgot about the necklace. "uh...." napakamot  ng batok si Papa "Actually doon talaga ang punta ko para bumili ng regalo!" parang nahihirapan siyang magpaliwanag at hindi makatingin saakin ng diretsyo sa mga mata "K-kaya nang ibigay na saakin ang ipinabalkot ko they give me the wrong one, pareho kasing Fuendivar." "Kaya nang nalaman kong ikaw ang may ari nito kinuha ko na, You rush away siguro nakalimutan mo na ito" Saad niya at napangisi lang sa paliwanag niya. Oww look, akala niya ba wala akong natuklasan sa  totoong sinadya niya sa mall? Napailing nalamang akong nagpatuloy na umalis para pumasok sa loob ng kwarto ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD