"ANONG SABI MO?" Napatayo ako dahil sa aking narinig mula mismo sa kanyang bibig. "Ugali mo bang ang paulit-ulit?" Ngumisi siya. "O, baka gusto mo lang mahalikan? Hah? Cait?" Nakakainis! Nagbibiro na naman ba siya? "Umayos ka nga! Ako ba'y pinag-loloko mo?!" Inis kong sabi. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Sigaw ko sa kanya. Mayamaya ay tumayo siya, at dumulog ng kusina. Kumuha ulit ng paiinom sa loob ng ref, at saka siya bumalik sa sala sabay lapag nang binili nitong beer in can. "Drink! Huwag mong isipin 'yong sinabi ko. Walang kwenta 'yon-" "No! I mean, sabihin mo na kasi!" Pagpupumilit ko. "Kainis!" Anas ko, at saka ko naman nabitawan ang basong hawak hawak ko. "What the! Lasing ka na ba? Nangbabasag ka na ng gamit mo." Nadulas lang talaga, at the same naiinis sa kanya. Bakit ka

