REN EMEIKO’S POV Pumila kami nila Mican at Sky para bumunot ng makakapatner namin sa test of courage, nauna na kanina ang mga 3rd year at grade 10 bukas naman ang mga grade seven,eight and nine. So ito na nga kinakabahan ako kung sino ang makakapatner ko sana si Mican na lang din kaso malabo ‘yun sobrang dami namin ‘di naman pwedeng magkapareho kami ng makukuhang numero. Habang nakapila kami ay naghahanapan na ‘yung iba ng patner nila, ako naman kinakabahan kasi naman ang layo nung gubat na ito sa camping site namin at sa kabilang ilog pa ‘to. "Ren okay ka lang?” Tanong ni Sky sa’kin at nag nod na lang ako, sa forest kailangan naming hanapin ang limang flag na nakatago sa daan na tatahakin namin. Kung sino ang pinaka maraming nakuhang flag ay iyon ang team na panalo. Actually bilang an

