PAGDATING ng Lunes ay maagang nagising si Railey kaya maaga rin siyang nakapasok ng opisina. Papasok na siya sa sariling opisina nang mapansin niyang wala pang tao sa mesa ng sekretarya niya. Nanibago siya dahil dati-rati ay nauuna pang dumating sa kanya si Elisse. Kapag dumarating siya ng alas-siyete y medya o kaya alas-otso ay naroon na ang kanyang sekretarya. Sinipat niya ang suot na relo. Menos diyes bago mag-alas otso. Ngayon lang yata na-late si Elisse. Nilagpasan niya ang mesa nito at dumiretso sa kanyang opisina. Pagkatapos mailapag ang kanyang attache case ay tinungo niya ang pantry. Naglagay siya ng tubig sa coffee maker. Pagkatapos ay nilagyan niya ito ng apat na

