"ANO BA ang importanteng bagay na pag-uusapan natin at kailangan mo pa kaming papuntahin dito ni Raiden? Kung tungkol sa Antigua Navigations iyon, I'm sure kayang-kaya mo ng resolbahin iyon," naiiritang sabi ng isa sa mga kambal nang pumasok sila ni Railey sa library. Pinaupo muna siya ni Railey bago nito hinarap ang kapatid. "Raizer, anuman ang mangyari sa Navigations apektado ang Antigua Shipyard ni Raiden pati na ang Antigua Resorts mo. Wala naman akong hihinging tulong mula sa inyo maliban sa kooperasyon ninyong dalawa," nahahapong sabi ni Railey bago ito umupo sa tabi niya. Tumayo si Mrs. Antigua. "Tama si Railey. Sa problemang hinaharap ng Antigua Navigations ngayon, kakailanganin namin ang lahat ng tulong na maibibigay ninyo. Besides, bilang Presidente ng Antigua Group of Companie

