PAGBUKAS ng main door ng mansion, sinalubong ng nakahilerang mga kasambahay sa sala si Railey. Lahat ay bumati sa kanya ng welcome home at good afternoon. Nakangiti naman niyang tinugon ito. Pero nang mapadako ang tingin niya sa babaeng nakatayo sa dulo ay biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi siya kaagad nakakilos sa kinatatayuan niya. Ilang sandaling nakatitig lang siya sa babaeng iyon. Nakangiting nakatitig din ito sa kanya. Nang makabawi sa pagkabigla ay kinusot niya ang mga mata. Baka imahinasyon lang niya ang kanyang nakikita. Pero ilang beses na niyang kinusot ang mata at ilang beses na rin siyang kumurap, nandoon pa rin ang babae sa puwesto nito. Kaya naman nilapitan na niya ito. “Go

