"Mommy! Mommy!"
A four-year old baby was waving at Shaina. Napa-cute nitong tingnan sa suot nitong cowboy costume.
Dali-dali siyang lumakad papunta sa kinauupuan ng anak niya. "Hi, baby! How's your day?"
"It's super fun, Mommy. Miss Howlington gives me three stars and a trophy." Masayang balita sa kanya ng anak niya.
Sa edad nitong apat na taon ay matatas na itong mag-salita. Ipinasok na niya ito sa Kindergarten 1 sa isang International School dahil gusto na nitong pumasok.
Nginitian niya ang anak at inakay papunta sa dalagang guro nito. "Hello, Miss Howlington!"
Agad itong ngumiti sa kanya. "Hello, Miss Rodriguez! It's glad to finally see you."
Nginitian niya ito. Ngayon niya lang kasi talaga napuntahan ang anak sa classroom nito. Ang kaibigan niyang si Marites kasi ang sumunod sa anak niya dahil magka-klase ang mga anak nila at kasama niya ito sa bahay.
"I have work, Miss, that's why," she simply replied.
"Yeah, Dustin told me about that. Oh, before I forgot we will be having an event next month and both of Dustin's parents needs to be present."
Nagulat siya sa sinabi ng guro. "B-But he doesn't have a father, Miss."
"Oh, that's so sad to hear. I think it's okay. I will make a report to our councilor to address your concern," nginitian siya ng guro. "No offense meant, Miss Rodriguez, but Dustin's eyes was the only thing he inherited from you physically."
Tumawa siya sa sinabi ng guro. Totoo naman kasi iyon. Walang nakuha ang anak niya sa kanya maliban sa mga mata nito. Sobrang kamukha ito ng ama na siyang kinakatakot niya.
Nag-paalam na siya sa guro bago umalis. Karga-karga niya ang anak niya habang naglakad.
"Mommy, wala po akong Daddy?" Tanong ng bata sa kanya.
Sandali siyang natigilan bago nginitian ang anak. Ipinasok niya ito sa back seat ng kotse at sinuguradong naka-seatbelt bago pumasok siya sa driver's seat.
"Mommy? Wala po akong Daddy?" Ulit nito sa kanya.
"Meron, baby. But he is working and busy." Iyon ang palagi niyang sagot sa anak.
Narinig niyang suminok ito. Tanda na iiyak na ito anumang oras. "Kailan siya hindi magiging busy? I want to see him and hug him, Mommy. When would that be possible po?"
Hindi niya alam ang isasagot sa anak kaya pinasibad na niya ang kotse ni Marites na hiniram niya at lumiko sa madadaanang drive thru. Binilhan niya ang anak ng Kiddies meal na siyang ikinatuwa nito.
She never told Dustin who his father was. Pero palagi nitong hinahanap ang ama. Lalo na't ang palagi niyang sabi ay nasa malayo ito at busy sa pagta-trabaho.
Ayaw ni Daniel ng anak. Iyon mismo ang sabi niya halos limang taon na ang nakalilipas pero hindi niya iyon masabi sa anak. She doesn't want to break his son's heart. So she better lie than telling Dustin that his father doesn't want him.
Paniguradong masasaktan ng husto ang anak niya kapag nagkataon.
"Salamat sa kotse, Marites. Kumusta si Silva?" Tanong niya sa kaibigan. May sakit kasi ang anak nito kanya hindi nakapasok.
"Mababa na ang lagnat niya, salamat sa Diyos." Nakahinga si Marites ng maluwag sandali pero agad iyong nag-bago ng parang may naalala.
"Ano iyon?" Tanong ni Shaina ng mapansin na nag-aalangan si Marites.
"P-Pumunta kasi si Aling Vivian. Naniningil na ulit. Binigyan ko na siya ng kalahati kasi wala na rin akong pera. Kailangan daw niya ng pera ngayon kasi ooperahan ang anak niya. Paki-gawan daw natin ng paraan.
Parehas silang Single Mom ni Marites. Nakilala niya ito sa Savannah at doon naging mag-kaibigan. Nang nakauwi sila rito sa Pilipinas ay nag-share na lamang sila sa inuupahan.
"Gagawa ako ng paraan. Natanggal na ako sa trabaho kahapon e. Nag-bawas sila ng trabahante at isa ako sa natanggal."
Nalungkot naman si Marites para sa kaibigan. "Saan ka hahanap ng trabaho niyan? Mahirap ngayon dito sa Manila."
"Babalik ako sa Santorini's mansion. Baka tanggapin ulit nila ako." Mahinang sabi niya.
"Kaya mo ba?" Mas nag-alala ito kay Shaina.
"Kakayanin ko."