Chapter 06

1350 Words
SHAINA'S POV "Who are you?" Napakagat na lang ako ng labi ng marinig ko ang tanong ni Dustin kay Daniel. Dustin didn't know that he was asking his own father. At alam kong may kasalanan ako roon. Tumakbo ako almost 4 years ago sa takot na baka mawala sa akin ang anak ko o hindi kaya ay masaktan din kagaya ko. "Hi, ahm... I'm Daniel." Pakilala ni Daniel sa sarili habang walang emosyong nakatingin sa anak namin. "Why do I look like you? Are you my father?" Nagulat ako sa diretsahang tanong ni Dustin kay Daniel. Hinintay kong mag-react siya pero mukhang wala lang iyon sa kanya. "Yes, I am." Palipat-lipat lang ang tingin ko sa mag-ama. Pareho silang nakatitig sa mata ng isa't-isa. Tumango si Dustin bago sumulyap sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya na hindi niya sinuklian. Umawang ang labi ko dahil doon. Dustin always smiles at me. Always! "D-Dustin..." "Can you leave us for a moment, Mom?" Tanong niya sa akin na mas ikinagulat ko. Yumakap sa akin ang anak ko bago bumulong, "Don't worry, Mom. Kakausapin ko lang po siya." Kahit gulat na gulat sa anak ko ay napatango na lang ako. I kiss him on his forehead and bow my head to exit the room. Matalino si Dustin. Alam kong alam niya ang sasabihin o itatanong niya Kay Daniel, pero kinakabahan pa rin ako. If I know my son well, I know Daniel, too. He is heartless at kahit alam kong alam niya na anak namin so Dustin, hindi ko pa rin alam kung anong magagawa niya sa anak namin. I'm just hoping for the best. *** Pilit ni Daniel na hindi magpakita ng emosyon habang kaharap ang anak. He maybe emotionless outside, but his heart was pounding so loud. Hindi niya alam ang iaakto lalo na noong lumabas si Shaina at iniwan silang dalawa. Dustin was eyeing him. Gusto niyang matawa dahil kitang-kita niya ang itsura niya sa bata pero hindi niya magawa. 'I have to be on his good side.' "Come here and sit... Dad." Napalunok si Daniel. He was always not ready for being a Dad but hearing someone call him "Dad" is a different deal. Ang sarap sa pakiramdam nang tawaging siyang "Dad" ng sarili niyang anak. Doon lang nag-sink in sa utak niya na ama na siya. Na nakabuo sila ni Shaina ng tao at kaharap niya na ito ngayon. Gusto niyang umiyak dahil sa kakaibang nararamdaman pero hindi niya magawa. May kung ano ring nakabara sa lalamunan niya at pakiramdam niya ay nanlalambot ang tuhod niya. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kinauupuan ni Shaina kanina. Pasimple niyang nahigit ang hininga ng hawakan ng bata ang kamay niya. And he cannot hold his tears anymore. Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit. "My baby..." Sunod-sunod na pumutak ang luha niya ng makulong niya ang bata sa bisig niya. At mas lalo pa siyang naiyak ng yakapin din siya nito pabalik. "Don't cry, Daddy. Sige ka po, iiyak din ako, magagalit si Mommy sa'yo." Natawa siya sa sinabi ni Dustin, pero hindi pa rin siya tumahan. Kusa na itong humiwalay ng yakap sa kanya at ito na rin ang nagpahid ng luha niya. Such a wonderful kid. "Daddy, l-love mo po ba ako kahit ngayon lang tayo nagkita?" Suminghap muna si Daniel bago marahang sinapo ang mukha ng anak. "Oo naman. Why asked?" "E dati po, mahal niyo rin po ako? Kahit noong nasa tummy pa ako ni Mommy?" "B-Baby, hindi kasi alam ni Daddy na nasa tummy ka na ni Mommy noon." Pilit niyang paliwanag sa anak. Hindi niya kasi kayang sabihin sa anak ang naging sitwasyon nila ni Shaina. It would surely break his young heart and he doesn't want that to happen. "Hmm, okay po. So now that you're here, you would protect us, yeah?" "Of course, baby. Daddy will protect you." Nginitian niya ang anak pero nagsalubong ang kilay nito na parang may inaalala. "You should protect my Mommy, too. I think she is in danger, Daddy." Napamaang na lamang siya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ito magsalita samantalang apat na taon lamang ito. He sound so matured and act like he is in a business deal. 'So me.' Natatawang sabi niya sa isip. "How can you say so, baby? Mom is not in danger," Malumanay na sabi nito sa anak. "Did you get that line from a movie? Can you tell me what's the title of it so Daddy could watch it, too?" "No, Daddy. It's not from the movie," seryoso pa rin ang bata. "On cartoons?" "Nope, I'm serious, Dad." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Gusto niyang matuwa dahil naku-cute-an siya rito pero hindi niya magawa dahil mukhang seryoso talaga ito. "Okay, tell me. I'm listening, kiddo," sabi niya rito. "I always woke up this past few weeks with Mommy talking to someone in the phone. She was crying always and begging that person to stop pestering us." Nagsalubong ang kilay niya. Gusto niyang matawa dahil parang imposibleng totoo ang sinasabi ng anak pero ng makitang nanggigilid ang luha nito kahit magkasalubong ang kilay ay agad lumambot ang loob niya. "One day, she left her phone beside me, someone call her and I answered it. The caller is a guy and he is saying that if he found out where we are, he will get us and k-kill my M-Mom and... put m-me in a c-coffin to deliver it f-for my Dad." Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ng anak niya. Takot na takot ito at singhap ng singhap. Akala niya ay normal lang iyon sa batang umiiyak pero ng makitang mas lalong namutla ang anak at malalim ang ginagawang pagsinghap ay doon na siya nataranta. "D-Dad... C-Can't... Bre---ath, h-help..." "Calm down, Dustin. Calm down, baby. Calm down for Daddy." Niyakap niya ito at pilit pinapatahan. Inabot niya ang emergency button sa tabi ng intercom para tumawag ng doktor. Hindi pa rin tumigil si Dustin sa pag-iyak at hirap na hirap ng huminga. Inasikaso ito ng doktor at mga nurse. Kahit alalang-alala ay lumabas siya ng kuwarto nito at hinanap si Shaina. He couldn't find her. He asked the nurse in the station to know if she notice Shaina, but said she didn't. He went to the cafeteria, asked the guards but no one else notice where Shaina is. He even asked for their assistance to check on the CCTV footage and said they will check and update him. Pansamantala niyang iwinaglit ang pag-isipan kung nasaan ang dalaga at bumalik sa kuwarto ng anak. Tulog na ito pero maroon pa rin ang mga luha sa gilid ng mata nito. Naupo siyang muli sa tabi nito bago pinahiran iyon. He kiss his son's hand and look at his baby intently. "I have a son." Ngumiti siya. "Shaina and I have a son. Finally, nakabuo rin kami." Noon niya pa iyon plano. Daniel couldn't accept the idea that Shaina is just here beside him because she is her family's payment. Hindi niya matanggap ang ideyang nabubuo sa isip niya. Hindi niya nakikita si Shaina bilang kabayaran, kung hindi isang babaeng pumukaw ng atensyon niya. He couldn't admit it to himself so he got drunk every night and day. Alam niyang may kakaiba siyang ginagawa kay Shaina kapag lasing siya at pinag-sisisihan niya iyon kapag nawala na ang pagkalasing. Pero isang bagay ang hindi niya pinag-sisisihang gawin habang lasing siya. He love that he always makes love with Shaina and secretly praying that he could get her pregnant. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Georgia noon kaya nasuntok niya ito sa tiyan. Baliw ang babaeng iyon, hindi naman ito totoong buntis. At wala siyang maalalang ginalaw niya ito. He was only made for Shaina. Iyon ang nakatatak palagi sa utak niya. Nagising siya sa malalim na pag-iisip ng may tumapik sa balikat niya. "Sir, pasensya na at naabala ko kayo. Nakita na po kasi namin sa CCTV ang babaeng hinahanap niyo." Ang guard iyon na pinagtanungan niya kanina. "Where is she?" Tanong niya. "May kumuha sa kanya, Sir. Sa Emergency exit siya idinaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD