LEI ANNE CHLOE LOPEZ Halos di ako makapaniwala na nangyayari lahat ng ito, parang nananaginip lang ako eh, parang kailan lang kasi todo emote ako at pa senti, senti ang peg pero ngayon I was totally happy, ang saya lang ng feeling na kasama mo yung taong mahal mo at siguro nasa stage na rin siyang mamahalin niya na ako. Sa ngayon kuntento na ako sa like lang. Nalaman ko rin pala na binayaran ni Luke ang resort na ito para exclusive na kami lang, talagang ginastusan niya para raw may privacy kami, sabi ko nga sa kanya sana di nya nalang ginawa kasi okay lang naman sa akin eh kaso siya ayaw niya kasi daw paano kung mag two piece ako? Ayaw niyang may ibang makakakita ng katawan ko raw, para lang daw ito sa kanya, for his eyes only lang. Ngayon nakahiga ako sa kama, para kasing ayaw ko pang

