CHAPTER 3:NO WAY!!!

4559 Words
LEI ANNE CHLOE LOPEZ  Nakarating kami ni Lola sa isang mamahalin at high-class na resto, bumaba kami nang kotse, I'm really NOT feeling so well after kung malaman kung bakit kami nandirito ngayon. Marami akong tanong sa isipan ko. Sabi lang ng Lola she would explain everything later daw sa mansion. I am feeling so unlucky at this moment in time. Why me ba naman...naku wala na bang katapusang kamalasan to!...sabi nang isip ko.. Sabay kami nang Lolang pumasok sa loob nang resto.... *tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan* At biglang my kumaway sa aming babae siguro nasa mid 50's na ang edad pero maganda at poist na poist pa rin kung makatayo...tumungo kami doon nang lola at binate nya kami... "Goodmorning Donya Corazon! Sa wakas eh nagkita ulit tayo gumaganda ka pa rin gaya nang dati." sabi nang babae while she's smiling at biglang nabaling ang tingin nya sa akin. "Oh is this Chloe already? She’s really grown up into a lovely and beautiful woman..." Grabe flattered naman ako. "Yes si Chloe ko na nga ito...well saan pa ba magmamana...." sabi ni Lola sa babae at sabay silang nagtawanan pero poist pa rin ang dalawa ha ang sosyal talaga... "Nice to meet you po Mrs.Mijares...."sabi ko sa babaeng Ginang... My Lola already told me about their family name and business kaya my ideya na ako...binati ko sya habang pilit akong nakangiti. "Same here Hija and don't call me that it's too formal just call me Tita or Mom if you like since I'm going to be your mother in law soon...and I'm very much excited...." sabi ni Mrs. Mijares grabe kita ko nga sa mukha niyang excited siya eh. Pero ako....feeling ko last life ko na ito at kailangan ko nang matigok.....I can't take it anymore!!!!! "Ako rin nga I can't wait to see your son marrying my granddaughter, nakikita ko bagay na bagay sila.." sabat ni Lola. Isa pa to grabe talaga..I know my Lola loves me so much pero ang gawin niya ito sa akin I can't get the point!!!!......para akong maloloka sa di oras sa dalawang ito... They both continue sa kaka chit chat at umupo na din kami habang ako ay nakikinig lang at panay ang yuko kasi parang anytime I'm gonna breakdown and cry... at nang biglang nagsalita si Mrs. Mijares which ikinagulat at ikina nerbyos ko. "Oh nandito na pala ang anak ko Donya Corazon....meet my son Luke." sabi ni Mrs. Mijares, sa Lola ko. Naramdaman kung nasa harapan ko ang lalaki pero di ko siya magawang tingnan panu pagtingin ko kalbo pala sya...di naman siguro o di kaya'y malaki ang tiyan. Ewwwww....!!!Wag naman sana kasi maganda naman yung mom ya eh baka sya gwapo din...naku bakit di ko rin naisip din yunnnn...what to do ba!!!! Grabe napaka gentleman nakita ko sa gilid nang mga mata ko na iniabot nya ang kamay nang Lola at hinalikan...arte ha! "Magandang umaga po Maam...it's nice meeting you.." sabi niya I can sense na napatingin sya sa akin. Parang nawala na ang lakas nang loob kong iangat ang ulo ko which is napansin nang Lola kaya my binulong sya sa akin. "Chloe umayos ka don't embarassed me...just please...makisama ka kahit ngayon lang ok?" madiin na sabi ni Lola.Kaya wala akong nagawa kung di ang tumango at umayos this time nagsalita ang Lola ko. "Mr. Mijares meet my beautiful apo si Lei Anne Chloe Lopez." my Lola sai Tumayo ako para magbigay galang kahit papaano, ni hindi ko nga alam kung anu ba ang ang magiging reaction ko. Syempre nandoon na ako wala na talagang atrasan to ayaw ko namang magalit si Lola, she's old to be get dissapointed nang dahil lang sa akin pero big deal naman ito yung nangyayari sa akin pero wala akong magagawa whatever reasons ni Lola kailangan kung maintindihan. Dahan dahan kung inangat ang ulo ko at habang unti unti ko nang nasisilayan ang mukha nang kaharap ko bigla akong natigilan at....... *BOOMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM* Nanlaki mga mata ko hindi ako makapaniwala....big joke ba to!...naku baka binabangungut ako kailangan ko nang gisingin ang sarili ko ayoko ko na....sana bumuka ang lupa at kainin ako...I want to run pero pa rang napako yata mga paa ko sa kinatatayuan ko...I really don't know what to do..parang di ko na to carry. Bakit ba naman ngayung araw na to blessed ako sa kamalasan!....napasigaw ako...actually kaming dalawa.... "IKAW!" we both shout in chorus. It's him yung walang pakundangan kung makainsulto the Mr. sungit.---oo much na talaga!   *****   LUKE KENT MIJARES "IKAW!" sabay naming sabi...tama nga kayo sa iniisip nyo wala ngang iba kundi ang sumira nang araw ko mula pa kagabi at kanina ang my kasalanan kung bakit muntik na akong ma late dito at ang my malaking atraso sa akin dahil sa ginawa niya sa kwarto ko. Nangigigil ako.....shocking talaga magbiro ng tadhana, dahil ang babaeng soon to be my future wife ay ang babaeng ayaw na ayaw ko... Sa Sobrang lakas nang boses naming dalawa halos napatingin sa amin ang mga tao sa loob nag resto, pati si Mom at ang Lola niya ay nagulat din at dahil sa pagkabigla ay hindi naiwasang magtanong nang Mom sa amin. "OK lang ba kayong dalawa-- do you know each other already?" tanong ni Mom..Nakita kung medyo nagulat siya doon that stupid woman don't know what to answer kaya ako ang sumagot. "Ahhhh, yes Mom--We knew each other already, actually we just met once at ang pagtatagpong yun I unforgetable," sabi ko habang bumalik na kami sa pagkakaupo I tried to look at her at nakita kung naningkit ang mga mata nya sa akin parang nagsasabing what-are-you-talking-about? Look...pero I ignore her. "So that's great, I guess you both are really meant to be, kita niyo tadhana na talaga ang unang nag set up para magkita kayo bago pa ang pangyayaring ito...that is a good sign na bagay talaga kayo..." her Lola giggled as she said that ganun din ang Mom parehos silang napa smile at kitang kita sa kanila na excited sila at happy sa mga pangyayari... "Lola don't say that..hindi po siguro ganun iyon eh..." that stupid woman said, basically her name is Lei Anne. Humurit pa ito ewan ko lang kung hindi ka mainis sa sasabihin ko... sabi nang isip ko. "I guess your Lola is right Lei anne, we shoudn't know, yung first met natin ay sign na magiging ok tayo..." sabi ko habang naka smile sa kanya na may pagkapilyo...kitang kita ko talaga ang pagtitimpi nya pero grabe na mamanage nya pa rin maging kalmado kahit halatang sasabog na siya sa inis..... "Oo nga naman Hija my son is right at excited na talaga ako para sa inyong dalawa kaya ngayon pa lang na fifeel ko na, na magiging ok talaga kayo. My son and you Chloe are destined to have each other!" sabi ni Mom sabay sang ayon naman nang Lola niya. Grabe naman to si mom kung makapag salita napaka impossible kung alam lang nya....hay mga babae talaga... "Oh siya let's eat na muna... " sabi ni Donya Corazon At ganu’n nga we eat silently nang eh hatid na nang waiter ang mga inorder namin--mahaba habang katahimikan then iyon at hangggang sa nakatapos kami--and then Donya Corazon break the silence--saying na. "I think mas better na eh schedule na natin ang kasal niyo mga 3 months from now----what do you think Margaret?" sabi nang Lola niya (Margaret is my Mom's name) na sinangayunan naman ng Mom. "What? Lola---agad-agad, masyado namang mabilis po..." sabi ni Lei Anne. Halatang hindi niya na carry ang mga nangyayari kaya sinakyan ko pa tingnan natin kung’di ka sasabog sa inis! "Lei Anne it's okay---I guess in those time we both have enough time to know each other na since we're both agreed to be in this marriage, I think there's no more big deal kung madaliin natin ang lahat-lahat di ba?" sabi ko while smiling at her, pero at the back of my mind. Sige mainis ka, magalit ka, mapikon ka! Bagay lang iyan sa iyo dahil di ka pa bayad sa atraso mo sa akin...tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo. "I agree with that." sabay pang sabi ni Mom at nang Lola niya...Mas lalo siyang nanlumo I can see it halos bumagsak ang mga shoulders niya when she heard it, pero wala syang magawa. Yes success! sabi ng isip ko. "Well, anu pa ba ang magagawa ko as if I have a choice." ang tanging naging tugon niya. “Chloe!” saway nang Lola niya. Nakita kong umirap siya and nagtaas ng kilay, na pa ka suplada talaga ng babaeng ito. Nagkatinginan kami nina Mom at nang Lola niya. “Pag-pasensyahan niyo na, stress lang sa trabaho itong Chloe ko,” Paumanhin ng Lola niya sa amin habang tina-try nitong ngumiti. “It’s okay, we understand,” Halos pabulong sa sabi ni Mom. After we eat, we had a little more conversation at tahimik lang the whole time iyong Lei Anne. Pagkatapos ng ilang mga sandali ay lumabas na kami nang resto nauna sina Mom at ang Lola niya habang kaming dalawa ay nakasunod sa likod nila. Walang imikan, tahimik lang habang ang dalawa namang nasa unahan namin panay ang plano about us. Nang makalabas na kami nang resto sabay pa kaming nagulat when her Lola told her that she would go out with me as in ngayon na, kaya nakita ko ang pag-salubong na naman nang mga kilay niya. "Don't worry Hija mabait iyan ang anak kong si Luke, I guarantee, di ka iyan pababayaan...” my Mom told her. "But Tita masyado naman pong abala iyon kay Luke, since hate niya ang umabsent---di po ba? Siguro next time nalang po.” sabi nito. "Naku Hija ok lang iyon sa katanuyan nga Luke was absent ngayong araw dahil gusto niya, he knows his priority at mas priority niyang makilala ka---that's why he is here." Naka smile na sabi ni Mom... "Oo, nga naman Chloe wala akong nakikitang mali kong lumabas kayong dalawa lang, ngayong araw." her Lola said Dahil sa wala namang kaming choice eh nag ok nalang kami, sumabay si Mom sa Lola niya at kaming dalawa ay naiwan sa parking lot...malayo layo na rin ang kotseng sinasakyan nang Lola niya at ni Mom, when this stupid woman walk into the sidewalk. Parang papara nang taxi...mabuti nalang maagap ako...I won't let her escape this time my atraso pa sya sa akin. "Where do you think you're going my lady?" I ask her in my teasing voice habang hawak ang braso niya, nagulat sya. "My lady mo iyang bunganga mo at bitiwan mo nga ako! How dare you!" angal niya sa akin as she was trying to get off of my grip sa braso niya. "Wrong answer. Hindi iyan ang proper na pag approach mo sa future husband mo!" "I don't care kaya let me go..!" pamimilit niya. "Nope, I won't and besides di mo talaga ugali ang mag thank you anu?" "Hello...as far as I know I did, on what you did last night di ba?" sarcastiko niyang sabi. "Oh yeah nag thank you ka nga pala and at the same time you'd messed up in my room....wow grabe ka kung mag thank you anu naninira nang gamit...nanggugulo!" "Well you deserves it! So don't blame me!" paismid niyang sabi. Naku kung di lang ito babae naupakan ko na ito, inuubos talaga pasensya ko. Well let see kong hanggang saan ka! "Me? Lakas din naman iyong loob mo no baka nakalimutan mo, may utang ka sa akin for the second time---hay naku why I always end up saving you kung iisipin di ka naman worthy!" angal ko din sa kanya while still holding her arms nakatalikod pa rin siya sa akin but this time nang dahil sa mga sinabi ko she faced me na nakasimangot na naniningkit ang mga mata. “You know what you’re such an arrogant! Sino ka ba sa akala mo! Hah! Wala ka talagang pakundangan kung makapanghusga! H’wag ka ngang feeling hero dahil hindi ko hiningi sa iyo na tulungan mo ako!" sigaw niya sa akin na halos kulang na lang ay lamunin niya ako ng buo sa sobrang gigil niya sa mga sinabi ko, abat na pa ka suplada nga ito--- ako arrogant! Sobra na siya ah. "Oh c’mon, we both know that I am right all along at ako nagtitimpi lang ako sa iyo ha, pasalamat ka babae ka dahil kung hindi---" "Kung hindi anu? Ha? Susuntukin mo ako?" Ang war freak talaga ng babaeng ito! "Hindi ko ugaling manuntok pero mas higit pa du’n ang gagawin ko!" "Grabe nanginginig ako---Takot ako!” while she makes funny faces then she burst out laughing. “ Takutin mo lelong mo! At bitawan mo na nga ako kung hindi sisisgaw ako!" pagbabanta niya habang nakataas ang mga kilay nito at pinadilatan pa ako ng mga mata. "Sige sumigaw ka akala mo lang ha...sige subukan mo ako at nang pagsisihan mo!" I said threatening her habang nakikipag-suntukan ng tingin sa kanya, she also look at me straight into my eyes na parang hinahamon talaga ako. "Bakit anung gagawin mo?" She's really testing my patience. "Talagang hinahamon mo ako ha...” bigla siyang nagkunot ng noo at nagtaas nang kilay. "Hindi ako natatakot!" sabi niya, lakas talaga ng fighting spirit nang isang ito. "Ok sabi mo eh...” sabi ko bigla ko siyang binuhat which is ikinagulat niya at sa sobrang pagkagulat niya eh napasigaw nga siya. Pinagtinginan kami nang mga tao na naglalakad. Walanghiyang babaeng ito talagang tinotoo niya ang banta niya...pwes humanda ka! Ibinaba ko siya at bigla ko siyang hinalikan as if my choice ako, grabe pati ako nagulat din sa ginawa ko at pagkatapos naputol lang iyon nang may nagpalakpakan akong narinig...when I released her she was blushing nang sobrang sobra.. Ang cute niya… sabi nang isip ko. Hoy anu ka ba parang natulala kana ha...sabi pa nang isang side ng isip ko. Para akong engot na ewan... binulungan ko siya na pumasok na sa car ko. "If you don't want to happen it again ako sa iyo just get in the car!" madiin kong pagkaksabi, pero instead na sumunod siya eh she keeps on insisting sa gusto niya. "Mag isa ka! Go to hell! Damn you! How could you do that! Grrr..." Sabi niya sa mahinang boses siguro nahihiya din siya about sa nangyari kanina kaya we keep on whispering.. "Okay, I give up kong ayaw mo eh di huwag...I just call your Lola nalang about what's the reason behind sa una nating pagkikita...I wonder kung anu kaya ang magiging reaksyon niya....I doubt that she knows." pagbabanta ko sa kanya while analyzing her reactions from my threat. Tinggnan natin kung’di ka pa sasama...wala na kasi akong maisip na dahilan para lang sumama siya eh...Kaya ito nalang... Tinalikuran ko na siya at papunta na ako sa kotse nang nagulat ako nang hatakin niya ako sa braso ko at pinalakad nang mabilis. "Okay na bilisan muna nga at umalis na tayo dali, buksan mo na ito sige na, ang init init na kasi eh. Ikaw naman di ka na mabiro. Kadramahan lang iyon kanina, ka echosan ko lang iyon...." sabi niya habang nakasmile na obvious namang fake. Nagpapacute pero halatang plastik... "Ang bilis yatang magbago nang isip mo ha!" sabi ko sabay open nang pinto ng kotse at sabay kaming pumasok. "Shhhh....just drive ka na lang pwede!" inis niyang sabi at hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap niya. "Okay sabi mo eh!” nakangisi kong sabi dahil success iyong plano ko. While I'm driving di ko maiwasan ang ma pa smile at last I succeeded---humanda siya sa akin mamaya dahil makakaganti na ako sa atraso niya. Oras na ng paniningil, napangisi ako.   *****   *SA LOOB NANG CAR NI LUKE PAPUNTA SA KUNG EWAN KO SA KANYA* LEI ANNE CHLOE LOPEZ Andito nga ako ngayon sa loob nang kotse nang MR. Sungit na ito, wala na kasi akong choice e’. Pagkatapos nang mahabang bangayan namin kanina na nauwi pa sa panghahalik niya sa akin which is honestly I felt something in the other side of my mind. That I wanted to beg for more because his lips were so soft and he is kissing me so gently --. I scold myself sa mga pinagiisip ko, as I remember I hate this guy pagkatapos ng mga panghuhusga at masasakit na salitang sinabi nito sa akin siya pa iayong lalaking pakaksalan ko. Sobra na talagang parusa ito, anu ba ang kasalanan ko? Hindi ko na talaga carry ito---ewan ko ba kung bakit ang isang ito go lang nang go kanina. Pinagkaisihan nila akong tatlo. Na pa ka unfair talaga! Wala akong ideya kung saan kami pupunta kaya I earn some courage to ask him---. "Saan ba tayo pupunta ha?" tanong ko habang sinusuri ko ang kanyang maamong mukha, napataas ako ng kilay nang mapansin ko ang define niyang panga habang concentrate siya sa pagmamaneho. I cleared a throat because I am annoy with myself in realizing that I am checking this Mr. Sungit. "Basta---" sagot niya sa akin habang nsa daan parin ang attention niya but I saw him na ngumisi na nakakaloko. Kaya mas lalong napataas ang kilay ko at kinukutuban ako ng masama, hindi naman ganu’n kasama pero may masama talaga akong kutob na may binabalak ang lalaking ito. Naku! Kaya kinulit ko ulit siya nang mga tanong "Meron bang Basta na lugar dito?" Napaismid kong tanong at umupo ng tuwid while crossing my arms, bago ako napatingin sa daan ulit I see him smiling parang iyong pilyong ngiti. Naku I can sense something’s wrong! "Puwede ba, chill ka lang diyan at darating din tayo sa pupuntahan nating dalawa-" sabi niya na nakakaloko kaya mas lalo akong nag wonder especially nang mapatingin ulit ako sa gawi niya at nakikitang may ibig sabihin ng m ga ngisi niya. Bwesit talaga ang lalaking ito! Pero gusto kong malaman, kaya hindi ko siya titigilan sa pagtatanong hangga’t hindi niya sinasabi sa akin kung saan kami papunta. "What do you mean?” I said while rolling my eyes and look at him again with such annoyance, I can sense that I am starting to breath heavily dahil sa takot at pag ka irita sa lalaking ito. “And FYI, wala akong panahon para mag hulaan kasama mo, kaya diritsuhin mo na lang ako saan ba tayo pupunta?" medyo napataas na iyong boses ko, nagtataray na habang tiningnan na siay nang masama though at the other side of my mind na di-distract ako sa ka gwapuhan niya. "Basta nga---easy ka lang diyan." nakangisi niya pang sabi at napasulyap siya sa akin ng sandal, napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin."Bakit natatakot ka na ba?" dagdag pa nito at tumawa pa nang malakas, kaya binalik ko ang mga tingin ko sa kanya ulit at nakita kong bumalik na ang attention niya sa daan sapagkat nag mamaneho and with that being said ay pinipigilan ko ang sarili kong huwag magsuntukin ang lalaking ito, pressing my lips ay naikuyom ko ang aking mga palad, let out a deep heavy sigh. "Hoy lalaki kung may binabalak kang masama I tell you! You should stop it kasi---kasi---“ Nauutal ko nang sabi at ni hindi ko na rin alam kong anu ang gusto kong sabihin sa kanya, pero nangigil ako at mas lalong naikuyom ko ang mga palad ko, I am starting to get scared of him. "Kasi anu?" He asks at biglang pinahinto niya pa ang car niya sa gilid nang daan at tiningnan ako sa mga mata ko. OMG! Feeling ko, kung ako’y isang ice cream ngayon  ay natunaw na ako, ngayon ko lang napansin, he has a beautiful hazel brown eyes, bagay na bagay sa kanya---ang gwapo kaya lang suplado. Para akong na mesmerize sandal sa mga titig niya na sobrang seryoso. I feel the awkward vibes sa pagitan naming dalawa while he keeps on staring at me. Naku mukhang nahi-hipnotismo na ako sa mga tingin niya matagal din bago ako makapagsalita. I even cleared a throat and swallowed a several lump, feeling ko naninikip ang dibdib ko at wala nang hangin sa paligid---and hirap huminga! Naku hahalikan niya na naman ba ako o higit pa ang gagawin niya? Naku baka eh m******e ako nang taong ito? Hi ndi kaya gawin akong chop chop lady! Oh noo..,!.What should I do? "Oh bakit di ka na makasagot? Naputol na ba ang dila mo?" He said between his lips. His voice are getting sexier for my ears. Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa akin at tinititigan parin ako gamit ang mga mapupungay niyang mga mata. Jusko! Talagang humirit pa, naman! "Pwe-pwede ba-ba..u-umayos ka-ka nga.."nauutal kong sabi. Napansin kong papalapit na ang mukha namin sa isa't isa...I feel so scared at the same time di ko ma gets puso ko...it beats so fast and why na merong bahagi sa nadarama ko na parang naeexcite...hay naku para akong tanga halo halo na ang mga feelings ko this time... napapikit na lang ako isusuko ko nalang ata itong bataan ko sa di oras... Bakit ang tagal...akala ko ba hahalikan niya ako... Hmmnnnn....parang wala namang nangyayari… "Hoy! Okay ka lang!?" panggugulat nito sabay tawa nang malakas "Feeling ka talaga anu? What do you think of me hahalikan ka ulit...no way...and that won't ever gonna happen again...I swear! Dahil di kita type kahit na magiging wife pa kita in the future..!" sabi ng walang modong lalaking ito...nagulat ako...I feel so embarrassed. Akalain mo iyon pumikit pa ako at nag isip ng ganunng bagay eh yan tuloy napahiya nanaman ako...parang gusto kong sakalin ang lalaking ito...ramdam ko parang namula ako nang sobra.....may araw ka rin sa akin walanghiya ka! grrrr... Tinawanan ako ng hinayupak! Tumatawa pa ang loko sarap basagin ang mukha...naku! "Ha-ha-ha-ha-ha--ha" sabi ko sa malumanay na paraan at pumalakpak at nagulat sya... "What's that for?" Nakatawa niyang tanong. "Best Actor ka kasi eh...pwede ka nang bida sa isang horror movie at ikaw yung aswang..!" "Anu na namang kinalanman nun sa akin?" "Eh kasi nakakatakot ka...kaya naisip ko bagay ka doon...Baka nagkamali ka lang sa profession mo!" paismid kong sabi naku inis na talaga ako... "Well, I'll take that as a compliment at least nag work diba? Gusto mo kunin kitang manager?" sabi niya aba't sinakyan niya pa ha... "On the second thought gusto ko ako na lang ang aswang para mapatay na kita at maitapon sa dagat at nang mapyestahan na nang mga pating iyang katawan mo.....para mabawasan ang mga katulad mo dito sa mundo!" "Ows......pikon!" sabi niya na nanakangisi pa rin...hindi ko na siya pinansin, feeling ko kasi I will going to have wrinkles just because of this guy. After noon binuhay niya na ang makina at tahimik na nagmaneho di na ako sumagot...Bahala nalang si superman, batman, spider man at wonder woman at lahat na may man...sa kung saan ang kahihinatnan nag pagsama ko sa kolokong na ito.... *IN LUKE'S CONDO UNIT* After an hour eh nakarating kami sa building nang condominium nya mismo. So it means sa unit kami niya pupunta? Ano naman ang gagawin namin doon...lumabas na siya nang kotse at pinagbuksan niya ako nang pinto pero di ako lumabas.... "Hoy, di ka pa ba bababa diyan?" he asked "Ayoko ko nga at bakit dito mo ako dinala?" "Dahil may kailangan kang gawin!" "Anong gagawin ko ha...?" ayan na naman ang iniisip ko.. Nagiging green minded ang utak ko sa lalaking ito... "Basta doon ko nalang sasabihin sa iyo sa unit ko kaya lumabas ka na diyan kung ayaw mong tawagan ko ang Lola mo at...." pinutol ko na ang dapat niya pang sabihin, hindi niya dapat pang ulitin dahil alam ko na.. "Oo na eto na nga eh..." nasabi ko nalang...Padabog akong bumaba nang kotse.... Pumasok kami nang elevator at pinidot nya ang 3rd floor...Sumusunod lang ako sa kanya nasa my bandang dulo pa kasi ang unit niya...para akong bata na nakasunod lang. Walang magawa...kaasar! Nang makarating kami sa unit niya agad kaming pumasok actually pinauna niya akong pumasok at sinara ang pinto. Kinakabahan ako... Kami lang dalawa dito... Anu ba talaga plano niya..? Nang may biglang...lumitaw na may edad na babae galing sa kwarto niya.. Hay salamat ...sabi nang isipan ko...Akala ko kasi baka may gawing masama ang mokong na ito sa akin... I sigh with a relief. "O, ser gudmurning po nandito na po pala kayo..." sabi nang babaeng Ginang. (Bisaya accent) "Siya nga pala Manang Linda si Lei Anne po," pagpapakilala sa akin ni Luke. "Goodmorning po!" bati ko. "Gudmurning din pu Mam." nakangiting bati sa akin ni Manang Linda kaya nag smile din ako sa kanya. "Tapos na ho ba kayo sa paglilinis Manang Linda?" tanong ni Luke. "Naku di pa may mga naiwan pang kalat sa loob Sir, iniwan ko nang mapansin kung may pumasok akala ko pu kung sino na, mabuti pala kayo lang pu!" sabi ni Manang Linda "It's ok Manang, iwan niyo na lang po ang mga iyan." sabi ni Luke sa kay Manang Linda "Pu!? Ser? Bakit pagluluto ko pu ba kayu nang pananghalian?" tanong ni Manang Linda, naku di ko napansin it's quarter to 12 noon na pala, ang bilis nang oras.. "Naku hindi na Manang, tama na iyan at umuwi na po kayo at magpahinga...maraming salamat nalang po." sabi ni Luke sabay dukot nang pera sa wallet niya at ibinayad kay Manang Linda. "Sigurado pu kayu Sir? Hindi pa kasi ako tapus Sir..." paninigurado nang ni Manang Linda "Yes po Manang Linda...Sige na po." giit ni Luke Wala nang nagawa ang matanda kundi ang umalis naiwan kami sa unit niya nakatayo lang ako doon at nang maisara na ang pinto bigla na naman akong kinabahan eh sa kami nalang dalawa eh.... "Oh, anu pa ang hinihintay mo kumilos kana?" sabi ni Luke...parang di ko siya ma gets kung anu ibig niyang sabihin... "Aa-anu ba-baa ga-gagawinn ko?" nauutal at natatakot kong tanong “nagkunot nang noo si Luke sa akin.” Luke please huwag ka namang mag joke nang ganito...please...maawa ka...Hindi pa ako ready" pagsusumamo ko sa kanya. I can't imagine na ginagawa ko ito...sige sa ngayun lang to makakabawi din ako... "Anu na naman bang kadramahan iyan ha? At anu bang iniisip mo?" nagtaka naman siya. "Hahh? Bakit anu bang kailangan kung isipin..?" tanong ko para akong slow di ko ma gets ang trip ng taong to! "START TO CLEAN UP AND COOK!" Luke said. "What!" para atang nabingi ako dun sa sinabi niya, parang nag echo nang ilang bese yun sa isipan ko bago ma gets ang ibig nyang sabihin.... "START TO CLEAN UP AND COOK... Daw!? Whattttt!!! Nag jo-joke ba to?. Sarap nang trip nang isang to ah... Ang kapal anu bang tingin ya sa akin katulong..! Sumusobra na talaga siya naku kung di lang talaga ako takot na madissapoint si Lola if ever na malaman ya what's behind sa first met namin ni Luke di talaga ako sasama dito....pero nanlumo ako... I am stuck in here na at wala akong choice kundi gawin ang ipinag uutos niya... KAWAWA AKO… huhuhu… This time he wins pero makakabawi ako, humanda sya...grrrrr      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD