♛❤ Thirty-Six❤♛ Mira: Katatapos ko lang magbihis at mag-ayos nang sunod-sunod na katok sa labas na bumulabog sa’kin—parang bakal lang naman ang kamay. Si Yden na ba yan? Hayst! Padarag kong binuksan ang pinto at siya nga—sobrang gwapo lang naman sa porma nito at may scarf pa sa leeg. “May balak ka bang sirain ang pinto?” Naiinis kong sabi rito. Saka lumabas at nagpatiunang maglakad. Amoy ko ang preskong pabango nito—masculine scent at hindi naman masyadong masakit sa ilong kaya..gusto ko—ang pabango niya! “Yes, I do—kung hindi ka pa lumabas. It’ll be shattered! Why didn’t you ask me that you’ll move to another room?” Heto na naman siya—nag-aalburoto na naman. I rolled my eyes saka hinarap ko siya. “Pwede ba, Yden? Pwede ba kahit isang oras man lang—‘wag tayong

