♛❤ Thirty-Nine❤♛ Mira: Nakatulala pa rin ako. Balot na balot ngayon ang katawan ko nitong makapal na kumot habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko ngayon. Anong oras na ba? A, hindi ko na napansin ang oras mula nang makarating na kami ni Yden dito sa Hotel at nang iniwan na naman niya ako ng isang masuyong halik..sa noo. Dios ko! Hindi ko sinasabing hindi ko gusto sa noo ha? Pero parang sinanay ‘ata niya ako sa labi! Tanga! Ay, sh*t naman, o! Si Yden ba talaga yung nag-thank you at nag-sorry sa’kin kanina!? Siya ba yung demonyo at hudas na nakilala ko!? Bumaling ako at saka ini-imagine ang nangyari kanina—lahat ng mga sinabi niya sa’kin lalo na nung pareho namin malaman na..siya pala yung batang nasagip ko noon. Hindi ba sinabi ni ate Hira yun sa kaniya?

