♛❤ Twenty-six❤♛ Mira: Sa mga sumunod na araw ay nasanay ako sa mga duties and responsibilities ko bilang asawa—este, PA! Personal Assistant ni Yden! Ayst.. Tukso kasi nila Joseph, Bea at Katrina parang housewife lang daw ang role ko—housewife na may sahod. At ngayon nga’y nag-advanced pasweldo si Yden sa’kin kaya nakauwi ako ng Pah. Kailan kong sabihin kay ate Hira na isang linggo kami ni Yden na mag-a-out of town para sa isang business conference nito. Hindi ko nga alam kung saan—basta out of town daw! “Promise talaga, okay lang ako dun. Kahit araw-araw akong naiinis sa kaniya—alam mo na ang ugali ng ‘sang yun!” Kasalukuyang nanghuhugas na ako ng mga pinggan habang nasa munting salas sina ate Hira at si kuya Dennis. Nagdala ako ng mga pagkain kaya inimbata na rin namin si

