♛❤ Thirty-One❤♛ Mira: “Salamat, Tomas.” Hindi umabot ang mga ngiti ko sa tenga ko nang pagbuksan ako ni Tomas ng pintoan sa kotseng dala nito. Nagtext si Tomas sa’kin na kailangan ko ng maghanda para sa pag-alis as early as 6 in the morning—at hindi rin naman ako nakatulog ng maayos. Masyado akong tuliro sa mga bagay-bagay na nasa dibdib ko ngayon. Pumasok ako sa loob ng kotse at hindi ko inaasahan na..nasa loob si Yden. Bumigat ang dibdib ko. Heto’t nandito siya ngayon at katabi ko pa! Naka-glasses ito at hindi ko alam kung nakamata sa’kin o ano—so galing ito kagabi sa babae na naman niya? Pakialam mo, Mira! Umayos ako ng upo at inilagay ang backpack sa gitna naming dal’wa. Hanggang sa airport ay hindi kami nagkikibuan—ang inaasahan kong pag-alburoto ng bulk

