♛❤ Twenty❤♛ DUMAAN ang mga araw at naging busy silang lahat sa kani-kanilang trabaho—lalo na si Mira. Sinabi niya sa mga kaibigan na sa susunod na linggo ay dun na siya officially na titira sa bahay ni Yden—bilang personal assistant nito. At ano namang ine-expect ni Mira galing sa mga kaibigan nito? Napuno ang dalaga ng mga tuksohan araw-araw! At para lang talaga matahimik na ang araw niya—sinabi niya sa mga ito na seryosong may girlfriend na ang binata at kung gaano ka-sweet ang dal’wa sa harapan niya. Tsk, kahit ‘di naman talaga! Friday night at nag-aya ang tatlo na mag-club sila. “Kayo ha, kailan pa kayo natuto ng mga gan’to?” Siniko ni Mira ang katabing si Bea. Naririto na sila sa isang bar at kakatapos ng nilang kumain ng dinner—sakto naman at ngayong araw ay ‘di nagpaki

