♛❤ Forty-Eight❤♛ Mira: Hind ko maipaliwanag ang naghahalo kong naramdaman ngayon—nasaan ako? Kinakabahan ako pero gusto kong paganahan ang utak ko ngayon. Alam kong nasa paligid lang sila! Nagmasid ako ng mabuti sa paligid at dali-daling kinuha ang kumot. Ewan ko kung ba’t hindi ako nakagapos o ano—pero sa nangyari kagabi? At sa pagkidnap nila sa’kin ngayon? Alam kong masama ang balak nila sa’kin! Itinali ko ng mahigpit ang dulo ng kumot sa paa ng kama—mukhang gawa ito sa matibay na Narra o ano dahil mabigat. Hinay-hinay akong dumukwang sa malaking bintana na may malaking kurtina at panay na nililipad ng hangin. Walang tao sa baba. At mukhang hindi naman ganun kataas! Sinipat ko muna ang buong paligid bago maingat na inihulog ang mataas na kumot tsaka ako parang naging si spider

