♛❤ Forty-Three❤♛ Mira: Hanggang ngayon lutang pa rin ang utak ko sa nangyari sa Baguio. Nagtabi kami ng tulog ni Yden—nagtabi lang, literary talaga yun lang.. Pagkatapos namin mag-agahan dumiretso na kami sa airport. Boyfriend ko na talaga ‘tong gagong ‘to? Nakamata ako sa bawat galaw ng mga kamay niya ngayon habang may mga pinepermahan at seryosong nakayuko sa mesa nito—tambak lahat ng mga papeles at appointments niya nang makapasok na kami kinabukasan. Actually, naming dal’wa! Kanina sabay rin kaming nagpunta rito sa kompanya at dahil parang tuko ang isang kamay niya na nakahawak sa bewang ko—na kahit anong tabig at kurot ‘di talaga ako binitawan! Kaya ayun, parang mga giraffe lang naman ang mga kasamahan ko.. Tsk! Pero yung feeling na hindi ka niya itatago? Na-he

