Uky's POV "Ge na baba ka na." Nakangiting sabi sakin ni risa. Nandito pa kasi ako sa loob ng sasakyan nya dahil ayokong bumaba. Gusto ko pa sya makasama, e. "Maya-maya na." Naka-ngusong sabi ko sakanya at yumakap pa ako sa braso nya. "Gusto pa kitang makasama." "Uky, magkikita pa naman tayong dalawa bukas." "Fine, pero kiss mo muna ako?" Yumakap ako sa leeg nya ako nilapit ang labi ko sakanya. "Ge na, baba na ako, bye na." Bumaba naman na agad ako sa kotse nya. Nginitian at kinawayan nya muna ako bago nya paandarin ang sasakyan nya. Nakangiti at palundaglundag pa akong naglakad papasok sa gate namin hanggang sa makarating ako sa pintuan ng bahay namin. Hahawakan ko palang yung doorknob nang biglang bumukas ang pinto. Napakamot nalang ako ng ulo nang makita si kuya. "Bakit ngayon ka

