Chapter 14

1160 Words
Harrisa's POV. Hindi ko alam irereact ko nang makita kong nakatingin sakin ng masama si uky. Nataranta ako nang lalong sumama ang tingin ni uky sakin kaya ngumiti ako at nag peace sign sakanya. Inirapan nya lang ako at nag lakad palayo. "Uky sandali lang!" Sigaw ko sakanya habang lakad-takbo syang sinusundan. Nang nasa tabi na nya ako ay tinignan ko sya at nginitian ng malapad. "Hmm, uky dun oh maganda view." Turo ko sa malaking puno. Hindi nya ako pinansin kaya napasimangot ako. "Pansinin mo naman ako oh." Pabulong na sabi ko sakanya. "Pag di mo ko pinansin sisigaw ako dito." Panghahamon ko sakanya pero di nya parin ako pinansin. "Fine, di ako sisigaw." Napasibangot nalang muli ako nang di nya nanaman ako pansinin. Napatingin ako sa kamay nya at hinawakan ko ito, inaasahan kong bibitiwan nya yun pero hindi. Hinayaan nya lang akong hawakan ang kamay nya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. "Uky, kakain daw muna." Sabi sakanya ni ivan. "Sige." Nakangiting sagot nya kay ivan. "Bakit sya sinasagot mo? May pangiti pa, ha?!" Inis na tanong ko kay uky pero di nya parin ako pinansin. Dahil naiinis na ako sakanya binitiwan ko yung kamay at nagpatiunang mag-lakad. Bwisit! Wala akong ganang kumain dahil hindi ako pinapansin ni uky at dahil kay ivan sya ngayon nakatabi. Nagtatawanan pa sila at naghaharutan parang hindi ako yung kaharap nya sa lamesa. Bwisit diba?! Gusto ko nang batuhin si uky para pansinin nyako, kahit tignan manlang hindu nya magawa. "Cr lang ako guys." Paalan ni uky saming lahat. Nang medyo nakalayo na sya ay nagpaalam din ako sa mga kasama namin na mag c-cr din ako. Gusto ko syang sundan para makausap ko na din. Nang makita kong nakapasok na sya sa cr agad akong sumunod. Nasa loob na sya ng isa sa cubicle kaya di nya na ako nakitang pumasok. Siniguro ko munang walang ibang tao sa dalawa pang cubicle bago ko ilock ang pinto ng Cr. Ayaw mo'kong pansinin ah. **** Uky's POV. Narinig kong may pumasok sa pinto ng restroom, narinig ko din yung paglakad nya pero nagtataka ako kung bakit hindi ako nakadinig ng sarap ng pinto ng cubicle. Weird. Nang matapos ako ay agad kong binuksan ang pinto ng cubicle pero nasara ko din agad ito dahil sa gulat, nakita ko kasi si risa na nakaupo sa lababo at nakatingin sakin. T*ngin@? Inayos ko muna ang sarili ko bago ko dahan-dahan buksan ang pinto. Nakita kong nakatingin parin sakin si risa. Inirapan ko sya at nilagpasan, nang malagpasan ko sya ay medyo nakahinga ako nang maluwag pero laking gulat ko ng hatakin nya ang braso ko at ipasok sa cubicle kung san ako galing. Sinandal nya ako sa pinto saka nya nilock yun. Pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko pero hindi nya magawa dahil tumitingin ako sa gilid. "Ano bang problema mo?" Tanong nya sakin. Hindi ko sya sinagot. "Bakit ba kase? May nagawa ba ko?" Tanong nya sakin habang pinagkukurs nya ang mga braso nya sakanyang dib-dib. Yung totoo, nagagalit ako sakanya dahil dun sa babaeng kausap nya. Di ko nadidinig yung usapan nila pero parang tuwang-tuwa sya. May pakiss at hug pa, astig! Iniinis ko lang sya nung unang di ko sya pinapansin pero nung makita ko yun. Nako! Tinitigan ko sya sa mata. "Kasi ano." "Ano?" Tanong nya. "Kase ano.." "Ano nga?!" "Bakit mo ko sinisigawan, ikaw nalang yung nagtatanong ganyan ka pa!" "Sabihin mo nalang kasi!" Hinimas nya ang dalawang sintido nya dahil sumakit ata sa sobrang inis nya sakin. "Kasi ano?!" Tanong nyang muli. "Kase maganda ako!" Sagot ko sakanya. Narinig kong napamura sya kaya medyo nainis ako. "Bakit mo ako minumura, minura ba kita ha? Minura kita?!" Inis na sabi ko sakanya. Nakatingin lang sya sakin habang nakacross-arms pa din sya. "Alam mo risa yung magaganda di namamansin ng pangit yan, tulad mo pangit ka kaya di kita pinapansi--" Naputol ang iba ko pang sasabihin dahil bigla akong hinalikan ni risa sa labi, itutulak ko sana sya pero nahawakan nya agad ang dalawa kong kamay , nilagay nya sa ulonan ko ang kamay ko saka hinawakan ito nang mahigpit. Hindi ko na nagawang makapalag dahil nanlabot na ang mga tuhod ko, nadala na din ako sa ginawa nya kaya di na ako pumalag. Nang labanan ko ang halik nya, dahan-dahan nya ng binitiwan ang pagkakahawak nya sa dalawa kong kamay. Nang mabitawan nya ang kamay ko ay pinulupot agad ko ang braso ko sa leeg nya, sya naman ay niyakap ang mga braso nya sa bewang ko. Naramdaman kong ngumiti sya sa pagitan ng halikan naming dalawa. Sayang-saya nako sa ginagawa naming dalawa nang may maalala ako. Pinutol ko ang halikan namin dalawa na kinabigla nya. "Teka nga di pa naman tayo pero nag gaganto na tayo?" Sabi ko sakanya na kinatawa nya. "Nililigawan mo palang ako pero ginagahasa mo na ako?" Natawa nanaman sya kaya napanguso ako. "Wag ka ngang ngumuso." Kiniss nya ako sa labi at nihigpitan ang yakap sa bewang ko. "Relasyon ang pinapatagal di yung panliligaw." Nakangiting sabi nya sakin. "Gusto kita uky alam kong gusto mo din ako, ramdam ko yun kaya pwedi ba tayo nalang agad?" Hindi ko na sya sinagot, hinalikan ko nalang sya at pinalalim yun. Humigpit naman lalo ang yakap sya sa bewang ko. Humiwalay ulit ako sa halikan namin dalawa dahil may itatanong ako sakanya. "Bakit nanaman?" Tanong nya sakin. "Sino yung babaeng kausap mo kanina?" Nakataas ang kilay kong tanong sakanya. "Bakit nag seselos ka?" "Oo kaya sabihin mo nalang kung sino yun!" Natawa naman sya sa sagot ko kaya lalong tumaas ang kilay ko. "Si yuri yun classmate ko nung highschool." Sagot nya sakin. "Bakita may pakiss at pahug pa?" "Hahaha! Wala lang namiss nya lang siguro ako." Lalong tumaas yung kilay ko dahil sa sagot nya sakin. Pinipilit kong tanggaling yung pagkakayakap nya sa bewang ko pero hindi ko matanggal. "Ahh ganun namiss ka pala edi yun yung yakapin mo saka bakit ka namiss naging kayo ba ha?! Naging kayo?!" "Kaibigan ko yun uky, saka nag honeymoon sila ng asawa nya dito." "Oww, ganun ba?" "Oo Hahaha! Selos ka agad, e." "May tanong pa ko sayo." Hinalik-halikan ako ni risa sa leeg. "Ano yun?" "Pano natin sasabihin sa kanila?" Patuloy parin sya sa paghalik sa buong leeg ko. "Na?" Tanong nya sakin. "Na tayo na." Naramdaman kong natigilan si risa sa sinabi ko. "Saka nalang siguro natin sabihin." Sagot nya sakin. Alam kong mahihirapan kami sa bagay na 'to pero kailangan naming pag handaan. "Tara na risa." "Saan?" Pilyang tanong nya sakin. "Doon sa kanila. kumakain kaya tayo, hindi pa ako busog." Nakangusong sabi ko. Natawa naman sya. "Tara na nga." Aya nya sakin. So, sikreto muna tong relasyon namin? Hayss! **** Harrisa's POV. Saka na natin sabihin sa kanila. Hindi pa ko handa. Natatakot ako sa sasabihin nila satin. Natatakot ako sa sasabihin nila sayo. Sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD