Chapter 10

1052 Words
Harrisa's POV. Nandito na ako sa sala nila uky. Sabi ko kay uky dapat 7am. nakaready na sya pero 7:30 na hindi pa rin sya bumababa. Buti pa tong bestfriend nyang si ivan, ready na. Pag dating ko palang kaninang 6:50 nandito na to sa sala. "Ang tagal naman ni uky." Rinig kong sabi ni ivan. Napatingin ako sakanya, nginitian nya ako at nag iwas ng tingin. Napangiti din naman ako sa ginawa nya. 7:35 na nang bumaba si uky, tumaas ang kilay ko nang makita kong nakasumangot ito. Pagdating nya palang sa sala, masama na ang tingin nito sakin. "Bakit?" Tanong ko sakanya. "Parang ayokong sumama." Maktol nya. Ngumuso pa sya sakin at nagpaawa. Sasagutin ko na sana sya nang maunahan ako ng bestfriend nya. "Hoy uky, ang tagal mo kaming pinaghintay dito tapos sasabihin mo hindi ka sasama?!" Tuloy-tuloy na sabi nya kay uky. Tumingin naman si uky sakanya at nag puppy eyes. "Ayoko talaga, bes." "Konyatan kaya kita dyan?" Hasik ni ivan sakanya. Tumingin naman si uky sakin. Natawa naman ako sa muka nya. Lalo tuloy humaba ang nguso nya. Tumabi sakin ng upo si uky. Nakayuko sya habang sinundot-sundot nya yung balikat ko. "Risa, hindi na ako sasama, please?" Napailing nalang ako sa ginawa nya. Tumingin ako kay ivan at masama ang tingin nito sakin, parang sinasabi na 'wag kang pumayag!' Ngumiti naman ako sakanya at binalik ang tingin kay uky. "Sasama ka samin, pag nagpumilit ka pa na hindi ka sasama, bubuhatin ka namin." Nakangiting sabi ko sakanya. Nag angat naman sya ng tingin sakin, natawa ako nang lalong humaba ang nguso nya. Bumuntong hininga sya at tumayo. "Kukunin ko lang gamit ko." "Ay punyeta ka uky! Hindi mo pa binaba, bwisit ka!" Singhal sakanya ni ivan. Natawa naman ako sakanya, si uky naman ay nagtuloy-tuloy lang sa pag lalakad. Ang cute nya. Haha! --- "Baby, kausapin mo naman ako." 30 minutes na kaming nasa byahe ni uky di nya ako pinapansin. Kaming dalawa lang ni uky ngayon dito sa sasakyan, si ivan ay sinundo ng van, mga kasama din namin yun, nagulat nga ako dahil kilala nya yung iba e. Tumigin ako kay uky pero binalik din agad ang tingin sa daan. Nakatalikod sya sakin, sa labas sya ng bintana ng sasakyan ang tingin nya. "Baby." Tawag ko ulit kay uky. Nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap sya sakin. "Ano ba, baby ka ng baby sanggol ba ako? Anak mo ba ko?!" Nagulat ako sa sinagot nya sakin. Sasagot na sana ako nang magsalita nanaman sya. "Ah, oo nga pala kaya baby tawag mo sakin kase nakababatang kapatid ako ni kuya ghio." Idiniin nya talaga yung word na yun. "Edi dapat ate tawag ko sayo. Ate risa." Bumuntong hininga sya at tinalikuran nanaman ako. Huminga ako ng malalim at tinignan sya saglit. "May problema ba uky?" Tanong ko sakanya. Hindi sya sumagot. "Galit kaba?" Tanong ko ulit sakanya. Narinig kong huminga sya ng mamalim. Nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap ulit sya sakin. "Sinong di magagalit sayo tatlong araw kang nawala kahit text wala, alam mo bang namiss kita, tapos bigla kang dadating sa bahay at sasabihing, liligawan mo ako sa ayaw at sa gusto ko. Ang galing mo din e no? Ako nga nalilito pa sa nararamdaman ko tapos ikaw parang sure na sure na, ang husay mo talaga!" Tuloy-tuloy na sabi nya. Bigla ko namang napreno ang sasakya dahilan para tumalsik ng konti si uky sa harap. Naka seatbelt naman kase sya kaya di tumama ang muka nya. Tumingin ako sakanya na nanlalaki ang mga mata at nakanga-nga. Dahan-dahan syang lumingon sakin, nag tama ang mga mata namin pero agad syang umiwas ng tingin. Umayos sya ng upo at humarap ulit sa kabilang parte ng sasakyan. "M-mag-ingat ka nga." Sabi nya. Kinuha nya ang cellphone nya at earphone sa bag na dala nya. Nakatigin lang ako sakanya at pinagmamasdan ang mga galaw nya. Nag tuloy nalang ako sa pag didrive ko nang ipasak nya ang earphones sa tenga nya. Nagfocus nalang ako sa pagdidrive pero minsan sumasagi sa isip ko yung mga sinabi ni uky kanina. Napapangiti nalang ako. ---- DALAWANG oras ang naging byahe namin papunta dito sa beach. Bumaling ako kay uky na kasalukuyang natutulog. Nakapatong ang ulo nya sa gilig ng sasakyan at nakanga-nga sya. Natawa naman ako sa itsura nya. Tinanggal ko ang seatbelt ko bago ako mul8ng bumaling kay uky. "Uky gising na, nandito na tayo." Gising ko sakanya pero di parin sya nagising. Napatingin ako sa muka nya at natawa nanaman nang makitang nakanga-nga parin sya. Kinuha ko ang cellphone ko at nilapit ito sa muka nya para kuhanan ng litrato. Tinignan ko ang litrato at natawa nanaman ako. Nilagay ko na ulit ang cellphone sa bulsa ko bago ako muling bumaling kay uky. Nabigla ako nang sobrang lapit ng muka ko sakanya. Hindi ko napansin. Nilapit ko pa ang muka ko sakanya para halikan ang ilong nya pero bigla itong dumilat at nagulat dahil ang lapit ng muka ko sakanya. Tinulak nya ako sa balikat dahilan para mapalayo ako sakanya. "A-anong ginagawa mo?!" Sigaw nya sakin. Huminga muna ako ng malalim at pumikit para makapag-isip ng palusot. "Ahmm, tatanggalin ko lang sana yung s-seatbelt mo." Palusot ko. "Eh bakit nakatingin ka sa muka ko?" Tanong nya habang inaayos nya ang buhok nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Nagulat sya ng bigla akong tumawa ng malakas. "Kase nakanga-nga ka matulog hahaha!" Natatawa talaga ako pag naaalala ko yung muka nya kanina. Nakita ko namang sumimangot sya kaya bigla akong napahinto sa pagtawa. Alam kong naiinis na sya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at hinanap doon ang litrato nya. Natawa nanaman ako ng makita ko. "Ito oh, picture mo hahaha!" Pag-iinis ko pa lalo sakanya. Akmang aagawin nya ang cellphone ko pero bigla ko itong inilayo sakanya at lumabas ako ng sasakyan. Ilang segundo lang ay lumabas narin sya ng kotse. Nakasimangot ito at masama ang tingin sakin. "Burahin mo yan, risa!" Sigaw nya sakin. "Ayoko nga!" Binelatan ko sya at nilagay ang cellphone sa bulsa ko. Nakita kong lalong sumama ang tingin nya sakin. May pang blackmail nako sayo baby BWAHAHAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD