Chapter 8

1100 Words
Uky's POV. Di ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa ginagawa ni risa. 'Baby' tawag nya sakin kase nakababatang kapatid ako ni kuya?! Nye nye, utot nya! Tumingin ako kay dindo na masama rin ang tingin kay risa. "Ahmm..dindo, sige pag-iisipan ko yung sinabi mo." Tumgin sakin si dindo at ngumiti. "Sige uky alis na ako, wag mo na akong hatid sa gate." Pinagdiinan nya talaga yung word na yun ng tumingin muli sya kay risa nang masama. "Wala naman akong sina--" Naputol ang iba ko pang sasabihin ng halikan ni dindo ang pisngi ko na kinabigla ko. "Alis na ako." Nakangiti paalam sakin ni dindo. Nang nasa gate na sya humarap ulit sya sa gawi ko at kumaway. Nakalabas na si dindo ng gate pero ako tulala parin. Bumalik lang ako sa riyalidad ng may marinig na yabag ng paa paakyat ng hagdanan. Agad akong napatingin doon at nakita si risa na padabog na umaakyat. Agad kong sinara ang pintuan at nilock ito. Patakbo akong sumunod sakanya kaya nakita ko syang pumasok sa kwarto ko. Sumunod naman agad ako pero napahinto ako sa mismong pinto nang makitang kinukuha nya ang bag nya. Papalabas na sya ng pinto nang iharang ko ang isang braso ko. "Aano ka?" Tanong ko sakanya. Hindi nya ako sinagot. Tinabig nya ang braso ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbong bumaba ng hagdan si risa. Nabigla naman ako sa ginawa nya kaya hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nang makabawi ay agad akong patakbong sumunod sakanya. Narinig ko ang boses ni risa galing sa kusina. "Ghio, uwi na ako, sorry di na kita matutulungan, emergency kase." Rinig kong sabi ni risa kay kuya. Sumilip ako at nakita kong magkaharap sila ni kuya. Nakatalikod sya sakin, si kuya naman nakaharap sa gawi ko pero di nya ako napapansin dahil nakatitig sya ka risa. "Okay lang, ingat ka ha." Tinapik ni kuya ang ulo nya at hinalikan sa pisngi. Di ko alam kung anong nangyayari sakin. Bigla kasing sumikip ang dib-dib ko at nainis ako nang sobra kay kuya. Pero lalo akong nainis nang halikan din ni risa si kuya sa pisngi, kaya umatras na ako dahil sumisikip lalo yung dib-dib ko. Ano bang nangyayari sakin?! Pumikit ako at huminga ng malalim. Kalma self. Dumilat ako nang marinig ang papalapit na mga yabag. Nakita kong lumabas ng kusina si risa na nakasimangot. "Uuwi ka na?" Malumanay na tanong ko sakanya. Di manlang nya ako sinagot, kahit tignan ako ay 'di nya ginawa. Nilagpasan nya lang ako at tuloy-tuloy na lumabas ng pinto, malakas nya itong isinara na kinabigla ko. Hahabulin ko pa sana sya ng tawagin ako ni kuya. "Uky, tulungan mo ako dito dalian mo!" Sigaw ni kuya mula sa kusina. "Pero kuya may gagawin pa ako, e!" Sagot ko sakanya. "Bilisan mo, tulungan mo ako dito!" Nagulat ako nang pagtaasan ako ng boses ni kuya. Galit ang boses nya kaya wala akong nagawa kung di ang sumunod dahil sa takot. "Opo nandyan na." Nakayuko akong pumasok sa kusina dahil sa takot at inis. ---- NANDITO ako sa kwarto ko ngayon, nakahiga sa kama at tulala sa kisame. kung ano-ano ang iniisip. Tatlong araw na ang lumilipas nung huli kong makita si risa. wala din syang paramdam kahit kay kuya hindi sya nag papardam. Pano ko nalaman na pati kay kuya hindi sya nag paparamdam? Patago ko kasing tinitignan ang cellphone ni kuya pag naiiwan nya sa center table sa sala. Pag may tumatawag naman kay kuya tinatanong ko kung sino yun at nadidismaya pag hindi ang pangalan ni risa ang sinasabi nya. Minsan nga nagtataka na si kuya kung bakit panay ako tanong kung sino yung tumatawag sakanya, e. Ang sinasagot ko lang ay 'wala masama ba magtanong?' Naiinis at nag tatampo na ako kay risa sa di ko malamang dahilan. Bwisit naman! May karapatan ba akong magtampo? Tinetext na ako ni dindo tungkol dun sa date namin. Panay ko lang ni rereply sakanya na pag-iisipan ko pa. Sinabi ko lang naman talaga na pag-iisipan ko yung date namin dahil gusto ko na syang umalis sa bahay. Tumayo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan ni risa sa phonebook para tawagan. Pipindutin ko na sana nang maisip ko na baka "Hindi nya sagutin." Naglakad-lakad ako dahil nag iisip ako nang magandang gagawin. Pipindutin ko na sana nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumuntong-hininga muna ako bago pumunta sa harap ng pinto at buksan ito. Tumambad sakin si kuya. "May bisita sa bab--" Hindi na natapos ni kuya ang sasabihin nya dahil bigla akong tumakbo pababa. Sana sya na. Nakangiti akong pumunta ng sala, nawala ang ngiti ko nang hindi si risa ang makita ko. "Hi, uky." Nakangiting bati sakin ni dindo. Kumaway pa sya. Napapikit ako at bumuntong hininga. "Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko sakanya. "Tungkol dun sa date natin, tagal mo kasing mag-isip e, naiinip--" Hindi na nya natuloy ang iba pa nyang sasabihin ng barahin ko sya. "Umuwi kana, walang date na mangyayari." Wala paring ganang sagot ko sakanya. Tumalikod na ako at umakyat ulit sa kwarto ko. Nakasalubong ko si kuya, tinong nya ako kung bakit pero hindi ko sya pinansin at nilagpasan lang sya. Pumasok ako sa kwarto ko, bumuntong hininga muna ako bago ko padapa na ibagsak ang katawan ko sa kama. Nararamdaman kong sumisikip yung dib-dib ko at naiiyak ako. Ano bang nangyayari sakin? Nakadapa parin ako. Ramdam kong tumulo ang luha ko, dahilan para mabasa ang parte ng sapin ng kama ko kung nasan nakapwesto ang mga mata ko. Tumihaya ako at tumulalang muli sa kisame. Hinayaan ko lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Para akong tanga, umiiyak ako sa di ko malamang dahilan. Siguro hanggang ngayon nasasaktan ako sa ginawa ni dindo o may iba pang dahilan. Hindi ko alam, para na akong tanga. Para na akong baliw. Bumangon ako sa kama ko at nagtungo sa banyo para maligo. Baka sakaling mabawasan yung bigat ng dib-dib ko. Mag pacheck-up na kaya ako? Baka iba na to ah. Pumailalim ako sa shower at hinayaan ang malamig na tubig na bumalot sa katawan ko. Tumingala ako sa shower at pinakiramdaman ang pag tama ng tubig sa mukha ko. Pinipigilan kong di maiyak pero hindi ko napigil, kusang dumaloy ang mainit na likido mula sa mga mata ko. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa muka ko ay sya ding pag agos ng mga luha ko. Bat ako nagkakaganito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD