Umaga pa lang nasa daan na kami at hindi sa opisina ang diretso namin. Kikitain nila si Henry Aragon na ngayo’y pinaghahanap ng Tierra dahil hindi na nila nahawakan. Kung ganitong storya, ibig sabihin, inipit lang nila si Henry at hindi siya kusang nakipagsundo sa Tierra. Bago ako sumama rito’y bukas na ang GPS ng cellphone na binigay nila dahil hindi sinabi sa akin kung saan nila kikitain. Sisiguraduhin nilang hindi makakapagsalita si Aragon kaya nama’y kinakabahan ako. Dahil sa anong paraan siya nila patatahimikin? Malayo-layo na ang binyahe namin at palabas na kami ng syudad. May mga gusali at kabahayan pa naman pero panaka-naka nalang. “Bakit kailangan niyo siyang kitain sa gan’to kalayo?” tanong ko pambasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan. “He re

