PANGALAWANG KABANATA

2983 Words
Tawag ako ng tawag sa bahay dahil na h-homesick ako! Hindi ako sanay ng ganito- walang gigising, walang magluluto, walang sermon, walang maghahatid at higit sa lahat walang kasama! Hindi ko akalain na ganito kahirap! One week pa lang pero parang gusto ko ng mag give up!-sa pag-aaral ko at sa sitwasyon ko ngayon! Ang hirap! Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at binaon ang mukha parang walang makarinig ng aking iyak. Akala ko maging masaya na ako kapag nalayo sa pamilya ko! Yong freedom, akala ko ito na yon but I'm wrong! Mas malala pa pala to sa inaakala ko. They are always there for me, buong buhay ko! Hindi ako sanay ng ganito! Mas gusto ko pa sa bahay!-May nag-aalaga, may nag-aalala, may naghahanap sa akin pero dito? Hindi ka makakain kapag hindi ka kikilos! Ma-l-late ka kapag hindi ka gumising ng maaga! Tapos kailangan mo pang tipirin ang 500 pesos para umabot ng isang linggo! Kinabukasan, mangang-maga ang mata ko dahil kakaiyak kagabi. Hindi ko nga alam kong paano ako nakatulog! Hindi na nga ako nakakain ng agahan dahil 10 minutes na lang late na ako. "Te! Hiniwalayan ka ng jowa mo?" Bungad sa akin ng bakla. I shook my head. "Ganito talaga ako kapag puyat" sagot ko. He raised his eyebrow. "Ang aga-aga napakasinungaling! Puyat ako pero hindi namamaga ang mata ko!...Ah! Niloko ka ng jowa mo no?" Pangungulit nya. I laughed. "Wala akong jowa" natatawa kong sabi. "Wala na!" Nakangisi nyang sabi. I shook my head. "Hindi pa ako nagkakajowa" sagot ko. Shock naman nya akong tinignan. "Virgin ka pa?" Shock nya talagang sabi kaya napakurap ako. Wala man lang filter ang bibig! Sanay naman akong makarinig ng ganyang mga salita dahil sa mga kaibigan ko pero ang laswa pa rin sa pandinig. Hindi ko na lang sya sinagot. Nagkunwari na lang akong may nag text sa phone ko. Ayoko talaga ng ganyang mga usapin! "Baklang Steve! Goodmorning bruha!" Bati ng isa sa mga kaklase namin sa bakla. I sigh. "Gaga ka! Pangit ka pa rin!" Ganti ng bakla. "Kung makapagsabi ng pangit parang hindi pangit ah!?" "Aba! Gumaganti ka na ngayon huh? Hindi kita tinuruan ng ganyan!" "Iwan ko sayo! Pa kopya na lang mamaya" "What a cheater!" "Ang damot! Bahala ka nga!" Pansin ko dito sa classroom na to. Parang lahat sila magkakakilala na, grupo-grupo eh at ang bawat grupo ay may kilala sa isa pang grupo! Parang ako lang ang hindi bilong rito. May kaklase naman ako na nag-aaral rin rito pero nasa ibang department sila!-nasa engineering, Criminology, comsci at iba pa! Yong tatlo kong kaibigan! Hindi sila nangahas na dito mag-aral, sa kadahilanang may entrance exam! Mga matatalino naman ang mga yon! Tamad lang talaga mag-aral. Ang mga utak non ay nasa galaan, nasa mga boyfriend lang nila. "Salvador tama?" Biglang baling sa akin ng babaeng nasa harap ko. I nod. "Bakit?" Lito kong sabi. "Mag e-elect mamaya ng representative sa department natin! Ikaw na lang huh?" Nakangiti nyang sabi. Mabilis naman akong umiling. "Naku! Napaka irresponsible ko! Hindi ako pwede dyan" agad kong tanggi. Ayoko ng maraming responsibilities! Gusto kong normal lang ako na estudyante at ang pinoproblema lang ay yong acads ko at pangungulila sa pamilya ko! Ayoko ng dagdagan, baka mabaliw na lang ako bigla. She laughed. "Sos! Ang humble naman!ikaw na lang-" "Gurl! Kapag ayaw wag pilitin!ako na lang" maarting singit ng bakla. "No! Baka maging behind ang department natin" agad na tanggi ng babae. "Judgemental ka ng taon Santiago! Ako na ang representative!" Mataray nyang sabi at tumayo. Weird naman namin syang sinundan ng tingin. "Ladies and gentle dog! Listen!" Sigaw nya at pumalakpak pa kaya napabaling ang mata ng lahat sa kanya. "Jesus" Santiago mumbled at tinampal ang noo nya. "Anong katangahan na naman nyan bruha!" "Gaga ka!... Makinig! Makinig! Makinig!" Maarte nyang sabi at pakimbot-kimbot na pumunta sa harap. "Pinagagagawa nyan beh?" Tanong nong isa ko pang katabi. "Nagtataka nga ako eh" lito ko ring sabi. "Baliw rin" Ani nya at umiling-iling. "I want to inform everyone! That I, Steven Clay Vegas! Will running for a representative in Business Administration this afternoon election!" With poised nyang sabi. Pinalakpakan naman sya ng mga lalaki, except his twin and cousin na kinantyawan sya. Girls also agree with him, iwan ko kung bakit. "Objection!" Pang e-epal ng bumati sa kanya kanina at tinawag syang bruha na isa ring bakla. "Aba! Ingitira ng taon! Attention seeker!" Mataray na sabi ng bakla kaya nagtawanan kami. Nasaan na ba ang prof namin!? Baka magsabong pa ang dalawang to! "Feelingera ka rin ng taon! Hindi ka karapatdapat na maging representative!" May diin nya talagang sabi. Napatakip naman ako ng bibig. "At sinong karapatdapat? Ikaw? Hello! Lutang ka pa sa lutang!" "Sinong may sabing ako? I recommend fafa Zioniel Storm De Lara for our department representative!" Puno ng pagmamalaki nyang sabi. Napatingin naman kami sa pinakalikod. So yan pala ang full name nya! Hindi ko kasi masyadong tanda dahil hindi ako nakikinig nong introduction, mas pinagbabalingan ko pa ang kaba ko at kung paano ako kakanta sa harap na thankfully walang nambuyo sa akin dahil sa kapangitan ng boses ko. Everyone chanted his name. Sya naman, bored lang na tumingin sa harap. Ang gwapo talaga! But sadly! Hanggang tingin lang ako. Ang ganyang ka gwapo? Sure akong may girlfriend na. Pero! Eh S-stalk ko pa rin sya mamaya sa boarding house at kapag na confirm ko mamaya na wala talaga syang girlfriend! Edi crush ko sya at kung meron man, auto pass. "Edi ako ang partner nya! Mga puta!" Malutong na sabi ng bakla kaya natatawanan ang lahat. Agree kasi lahat na si De Lara ang representative. "No! I recommend Ms. Salvador!" Biglang tayo ni Santiago. My eyes widen in fraction at matinding iling ang ginawa. "Ayoko ko!" Tanggi ko kaagad. "Hoy ma-attitude na Ashly Santiago! Ayaw nya di ba? Tinaggihan ka na kanina! Ganyan ka ba ka bobo-" "Your mouth Vegas!" Biglang pasok ng Prof namin kaya parang kuting ang bakla at biglang bumait. "Sorry ma'am!nag d-discus lang kami kong sino ang representative namin" magalang nyang sabi. Everyone laughed in silent. I bite my lips para hindi matawa. Yan kasi! May iba namang set na BSBA rin! Nagpa-bida-bida pa! Hindi siguro nya alam kung gaano kabigat ang responsibility bilang representative ng department namin. At ako? Maging ka partner ni De Lara? No way! Baka makagalitan ako palagi dahil ma h-hypnotize lang ako sa ka-gwapohan nya. Jusko naman! Bakit may ganyan ka gwapo na nilalang tapos classmate ko pa? Ano na lang kaya kapag asawa ko na sya? "Hoy! Ako ang partner ni De Lara huh? Wag kang pabida!" Bulong sa akin ni Bakla. I laughed. "Ayoko ring maging representative! Ang dami ko ng problema, ayoko ng dagdagan" bulong ko rin pabalik. Lumiwanag naman ang mata nya. "Yan! Gusto ko yang attitude na yan" nakangiti nyang sabi. I smile back at nakinig na ng tuluyan kay Prof.Babawi na ako sa college ko! Ayoko ng maging pabaya kagaya nong junior and senior high school ko. Sulat lang ako ng sulat sa mga importanting bagay na sinasabi ni ma'am kahit walang maintindihan. English kasi at yong iba nyang sinasabi hindi talaga familiar sa akin. "So next meeting...we will be having our first ever quizz and after that, I will assigned you by pair for reporting...So what else..." Ani ni ma'am. Napatingin naman ako sa notes kong...iilan lang ang nasulat. "Gurl! May book ako. Hiramin mo na lang" bulong ng bakla sa akin. "Talaga?" Nagliliwanag kong matang sabi. He nod at kinuha yon sa bag nya. "Yan!ikaw bahala mag-aral! Ako bahala sa copies basta pa kopya huh?" Nakangiti nyang sabi. I pursed my lips. "Wag ka lang mag expect" nahihiya kong sabi. He smiled. "May tiwala ako sayo! Forda go!" Pang c-cheer nya. Natawa na lang ako. Nang maghapon, wala kaming klase dahil may election na magaganap sa department namin. "Good afternoon! CBA! Welcome to our 2022 Students election! Are you ready!?"napaka energetic na panimula ng speaker. Naghiyawan naman sila. Pwera sa akin na napaka lonely rito sa pinakalikod. Wala pa kasi akong matatawag na closed friend, yong tipong magkakasama kami kahit saan! Mababait naman sila sa akin, approachable pero kahit na ganon ayaw ko pa ring bigla na lang lumalapit sa kanila dahil ayaw kong may marinig na napaka feeling ko, ang OA, ang feeling close at ang isa pang dahilan... nahihiya akong makihalubilo sa kanila. "Before we start please stand up for opening praying" Ani ng MC. I sigh and looked around, hinihintay kung sino ang tatayo. Nakakahiya kayang tumayo ng ikaw lang. Tumikhim ako nang nagsitayuan sila kaya tumayo na rin ako. "For those catholic please sign of the cross...In the name of the father and of the son and the holy spirit...Our father, who art in heaven..." I pursed my lips and murmured the rest of the prayer dahil yon din ang ginawa ng iba. "Amen...Please sit down everyone...so today we will be having our election! So now, I will open the nomination for president..." The MC annonced. I sigh. Napakaboreng nito! Ang sarap bumalik sa boarding house at matulog. Antok na antok ako habang nag e-elect, kung wala lang attendance hindi talaga ako pupunta rito eh! "Now! The department representative is now open...take note! Dalawa ang e-elect rito okay? So nominate as many as you can dahil dalawa ang e e-elect rito...the nomination is now open" Agad namang tumaas ang kamay ng bakla. "I nominate myself as a department representative of CBA" Mataray nyang sabi kaya nagtatawanan kami. "Your name sir?" Tanong ng MC sa bakla. Pigil na pigil ang tawag ko dahil sa kagagawan nya. Ang confident lang. "Steven Clay Vegas! First year CBA Student" baklang-bakla nyang sabi kaya humagalpak naman ang mga kaklase at schoolmate namin kahit panay na ang irap ng bakla. "Okay please stand here infront...another hands for nomination..." tanong ng MC. Tumayo naman yong Santiago. "I nominate Ms. Aloha Ray Salvador for Department Representative of CBA!" Confident na sabi ni Santiago. Nanlaki naman ang mata ko. No! s**t! Ayoko! Hindi ko kayang maging representative, ayoko ng responsibility! "Ms. Salvador...Where is she ?...Please stand up" Hanap sa akin ng MC. Napapikit ako ng mariin at malakas ng bumuntong hininga. Wala na akong magagawa! Alangan namang mag complain ako dito? mas nakakahiya yon. "Okay! The beautiful lady at the back! Please come here infront" nakangiting sabi ng MC. Laylay ang balikat kong naglakad patungog stage. Buong buhay ko, ngayon lang ako na elect sa election! Hindi pa kasi nila ako kilala eh! Ano ba yan! "Sabi mo te! Pinapaubaya mo sa akin?" Bulong sa akin ng bakla. I sigh heavily. "Hindi ko naman inutos sa kanya. Ayoko talaga ng ganito" nakanguso kong sabi pero inirapan lang ako ng bakla. "The nomination is still open...you can rise your hand now" the speaker again speak. The rival of Vegas raise your hand. "Ma'am I nominate Mr. Zioniel Storm De Lara for CBA Representative!" "Ma'am I closed the nomination" "I second demotion" Agad nilang sarado sa election. Matinding dasal ang ginawa ko na hindi manalo pero parang pinaglaruan ako ng tadhana dahil most of my classmate voted me and De Lara! Nakakabwesit lang. "So ladies and gentle the CBA Representative is Ms. Aloha Ray Salvador and Mr. Zioniel Storm De Lara please around of applause" the speaker announced. Nakasimangot ako buong program dahil sa nangyari! Dagdagan pa na pinaiwan kami dahil picture taking kuno at may rules and regulation na sasabihin ang president. "So everytime na hindi kayo makaka-attend or maka duty...automatic may invoice kayo...magkano? 40 pesos each absences, 50 kung hindi nyo gagampanan ang duties nyo! Understood?" The president said. I sigh, wala talaga sa mood. Ayoko ng responsibility! Iniisip ko pa lang ang mga possibleng gagawin. Napapagod na ako! Nakakabwesit talaga yong nag nominate sa akin at nag vote! Hanggang mag-uwian, hindi talaga ako umimik kahit panay ang congratiolate sa akin ng mga kaklase ko! "Kuya! Ayoko na dito!" Reklamo ko sa Kuya ko nang tumawag ako. [ Bakit? ] "Kasi naman! Ginawa nila akong representative ng department namin! Nakakapagod kaya yon!" [ Talaga? So good person ka pala dyan dahil nanalo ka? ] nakangisi nyang tanong. Halatang nang-aasar lang. "Good person, good person. Bahala ka nga dyan Kuya!" Inis kong sa. Humalakhak naman si Kuya kaya na bwesit talaga ako kaya pinatay ko na lang. Kinabukasan. Wala pa rin ako sa mood! Ang dami-dami ko na ngang pinoproblema! Dadagdagan pa nila! Nakakainis. "Mr. De Lara and Ms. Salvador, please get the attendance sheet for your classmate and assist them for our orientation" sabi sa amin nong Vice president. Palihim akong napairap pero agad namang tumayo para sundin ang utos. Tahimik lang kami ni De Lara patungog SSG office. Hindi naman kami close para magka-usap at ang awkward-awkward pa ng pakiramdam ko. "First year right?" The president asked. I nod. "Ang tahimik naman. Anyway, here. Distribute it in the second year, 3rd year and 4th tapos ito sa inyo. And please assist them...wag nyong hahayaan na permahan nila ang wala... okay?" The president said. I nod again. "Ganyan talaga kayo? Hindi nagsasalita?" Natatawang sabi ng president. I pursed lips. "Magsasalita naman po" mahina kong sabi. "Oh? Napakamahiyaan...Gagawan natin yan ng paraan...oh sya! Do your duties babies" nakangiti nyang sabi. I smile shyly bago pumihit. Naramdaman ko namang sumunod si De Lara. Oh my God! Ngayon ko lang naramdaman ang malakas na t***k ng puso ko! Mas iniisip ko kasi ang awkwardness kanina! Tuloy hindi ko nabalingan ang puso kong kumakalubog na dahil sa kanya. The person that I admire because of his eyes! Nandito sa tabi ko! Kasabay maglakad! I want to take a picture with him tapos ipapa-billboard ko! I cleared my throat. "Ako na aakyat sa 3rd yeard and forth year..." "Us...We don't need to split a part" he said coldly but his voice sounds like a lullaby in my ears. I sigh because of my thoughts! Nababaliw na ako sa lalaking to! "Ugh...Para mapadali sana ang trabaho natin..." nakanguso kong sabi. Bubuka na sana ang bibig nya kaya agad kong inunahan. "Pero! Kung yan ang gusto mo, sige!" I stared at me for a while bago tumango. Nauna pang naglakad. Napanguso na lang ako. "Wala man lang let's go, bebe" bulong ko bago tumakbo para magkapantay kami. "De Lara! Ano...-" "Zioniel" he corrected. Napalabi na lang ako. "Ugh...Ano! Mag c-comfort room lang ako saglit!" Bigla kong sabi kahit hindi naman ako na i-ihi! Tanga lang. "So?" Tipid tipid naman ng salita ng lalaking to! Paano kami mapupunta sa getting to know each other nyan? Hay naku! Pag ako na inlove dito tapos hindi ako sasaluhin!? Abah! Ipipilit ko talaga! Iwan ko na lang kung kakayanin nya. Himahagikhik ako sa iniisip ko. "I'll wait here...go now. Weirdo" kunot noo nyang sabi. Nawala tuloy ang buong emosyon ko sa mukha. "Anong weirdo!?" Madiin kong tanong. Parang big deal yong sinabi nya sa akin. Honestly, hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon!- bakit ko kinakausap tong si De Lara na toh! bakit ako gumagawa ng palusot para lang makausap sya!? Ngayon gusto ko naman syang awayin para marinig lang ang boses nya. Dinungaw nya ako! Hanggang leeg nya lang kasi ako...matangkad naman ako pero dahil lalaki sya malamang matangkad pa sya sa akin...ang ganitong height sa babae?...6'1? Mataas na to oi! "Time is running" he said seriously. Napalabi na lang ako at nilahad ang attendance sheet. "Oh! Babalik rin ako..." nakasimangot kong sabi at nagdadabog maglakad patungog comfort room na hindi ko alam kung saan! Jusko naman! Ang tanga mo talaga Aloha!Ang ending! Sa cafeteria ako napadpad kakahanap ng CR! Hindi ko kayang tumingin lang sa pagkain lalo na kapag bananaque tapos may nangka pa! I hummed a sounds nang bumalik ako kung saan ko iniwan si De Lara! Sana lang nandoon pa yon. I consumed so much time finding a CR kahit hindi ako gagamit. "Coomfort room huh?" "Ay Palaka!" Gulat kong sabi nang nilagpasan ko ang isang posted na nakahilig pala si De Lara na nakapamulsa at malamig ang tingin sa akin. Napakurap pa ako ng ilang beses bago ko sya sinagot. "Totoo naman ah?" Pagsisinungaling ko. Hindi ko natagpuan ang CR! He looked at me sharply. Telling me na alam nya na nagsisinungaling ako. I sigh. "Naghanap naman talaga ako then napadpad ako sa caferia...nakita ko tong bananaque..." pakita ko sa kanya ng bitbit ko. "Hindi ko matiis, paborito ko kasi...wag ka ng magalit... oh? Hihingi ka?" Nakanguso kong sabi. Oh my goodness! Stop acting like a baby! Ang laswa! May panguso-nguso pang nalalaman! He sigh. Hindi ako sinagot, tinignan nya lang ako kaya na conscious tuloy ako! Maga pa naman ang mata ko nong last akong humarap sa salamin. "Ano...E d-distribte na natin yong..." "Done" putol nya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. "I'm sorry. Hindi ko na uulitin...naghahanap naman talaga ako ng CR...and you know, bago lang ako rito kaya nalito pa ako...nga lang napunta ako sa cafeteria tapos nakita ko nga tong bananaque kaya binili ko na" seryoso kong explain. "Hmmm" aniya. Nakatitig lang ako sa kanya...naghihintay sa susunod nyang sasabihin...ganon rin sya, walang emosyon na nakatingin sa akin. Ano to? Staring contest? "Nakita ko nga si De Lara kanina rito!" "Bakit ka ba hanap-hanap doon sa tao! Wala namang paki sayo yon!" "Meron yong pakialam! Alam kung kilala nya ako dahil nag confese ako sa kanya! Ilang beses nah pero wrong timing dahil may palagi syang ginagawa kaya bilisan mo" Napatingin naman ako sa kung saan galing ang boses na yon. "Bakit-...Hoy!" Alma ko ng bigla nya akong hinigit at pinagpalit ang pwesto. My eyes widen in fraction dahil sa ginawa nya. Our faces are just inches away. I even feel his breathing. My heart beating so fast! My legs are shaking! My mind is confuse na baka mabaho ako! Makita nya eye bags ko. Iwan! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD