"Ilagay nyo sa maleta ang mga gamit ni Ma'am Sitty nyo!" malakas na utos ni Reeve. May mga kasama itong tila mga robot na mga banyaga. Di niya matiyak kung ano ang nationality ng mga ito basta ang alam niya di ito Filipino lalo na ng magsalita ang pinaka leader. "Reeve, ano ang nangyayari?" nagugulohan kung tanong sa asawa. Nagising siya ng dumating ang mga ito nasa sala siya nanonood ng maabutan siya ng mga ito. Hinihintay niyang sabihin nito na iempake din ang mga gamit nito. Ngunit ang malaking katanungan sa isip niya ay kung sino ang mga taong kasama nito? At saan sila pupunta? Mga katanungan na kanina niya pa itinatanong dito ngunit tila wala lang itong narinig. "Hoy Reeve! Sagutin mo nga ako nagugulohan na nga ako e." pakiusap ko dito. "Yan ba lahat?" tanong nito kay Yaya na til

