Nagsagawa ng DNA test si Fiona at ang nagpakilalang ama nito. Sa tulong ng abogado ng matanda na nag asikaso maari daw siyang masampahan ng kaso sa oras na di siya pumayag. Lalo at may legal na proseso naman. Makalipas ang dalawang linggo ay lumabas ang resulta ng DNA test at napatunayan na ama nga ni Fiona ang lalaki. Lalo at nagpasagawa din si Reeve ng sarili nitong DNA. Umiiyak siyang nakaupo sa gilid ng bahay nakayuko at yakap yakap ang kanyang kapatid na kanina pa umiiyak. Bukas na ito nakatakdang sundoin ng ama nito at ng step mother nito. "Tahan na, papayag naman siguro si Papa mo na dumalaw dalaw ka dito sa amin." sabi ko dito pero sa isip niya gusto niyang itakas nalang ang kapatid para di mahiwalay sa kanya. Ngunit alam niyang masama ang bagay na iyon magiging ina at magulang

