(After Michie's Debut) Clyde's POV Pumunta agad ako kay Nica pagkatapos ng event. Aamin na ako sa kanya na siya ang mahal ko. Yeah, tama kayo, si Nica ang mahal ko. Hindi naman ako nagpanggap kay Michie dahil totoo yung mga pinakita ko sa kanya. Mahal ko siya as friend lang. Gusto ko lang maibalik yung pagkakabarkadahan namin. Ako, si Nica, Geo, Michie, Michael at Calleigh. Bata palang kami, magkakaclose na kami. Kaso simula nung nawala si Michie, nagbago na ang lahat. Si Michael ang laging magkasama, tapos kami kanya kanya ng buhay. At sa tingin ko ay bumabalik na ang dating samahan namin, lalo na at bumabalik na ang mga alaala ni Michie. Hayyy kung alam niya lang......bata pa lang kami patay na patay na sa kanya si Geo kaya iniwasan kong maging kaagaw niya dahil ayokong masira ang pa

