3rd person's POV Natulala nalang si Michie sa narinig niya kay Dark. Hindi niya ineexpect na ganto ang mangyayari. Hindi na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng kanyang luha. Tila isang masamang panaginip ang kanyang nararanasan. Ang taong minamahal niya pa ang tanging tatapos sa kanyang buhay. Gulong-gulo siya dahil hindi niya alam kung paano napunta ang sitwasyon sa p*****n. Wala naman siyang ginagawang masama. Bakit siya ang pinupuntirya? 'Lord kayo na po ang bahala sa akin' yan nalang ang kanyang iniisip at dinadalangin niya ngayon. Nag-iisip nalang siya ng positive tulad ng 'makakasama ko naman si Night sa langit eh'. Tuwang tuwa naman ang Dracula sa pangyayari. Tila proud na proud sa anak niya. Anak niya na susunod na maging dracula. "Okay Son. Kill her *smirk* with feeling

