Michael(White)'s POV Hinahanap ko si Night. Napansin kong nakaawang yung pinto ng kwarto ng kambal ko. Sinilip ko. Nakita ko si Night na nakatingin kay Michie. Alam ko ang tingin na yun, yun yung tingin na parang pagtanggap. Pero parang feeling ko nagkakaroon na siya ng pagtingin sa kapatid ko? Biglang nagpatugtog naman si Calleigh ng "pag-ibig na kaya". Well alam ko yang kantang yan. Paulit-ulit ba namang patugtugin ni Calleigh -_- Nakakasawa nga. Ang weird talaga kapag buntis. Hanggang ngayon, yun parin pinapatugtog. Oh well. Napatingin ulit ako ay Night. Parang may binulong siya. Pailing-iling pa. Baka narealize niya lang na gusto niya ang kapatid ko haha. Kung gusto niya si Michie, I'll help him. Binuhat ko nalang ang baby ko. Simula ng lumabas si Mico, natutunan ko nang mahalin s

