Michie's POV Nakarating na kami sa mansion na sinasabi ni White ay este Michael. Dapat masanay na ko na Michael na ang itawag ko sa kanya kasi kambal pala kami. Hindi ko napansin yun Michael Carl at Michie Candee. Galing parehas MC. Ngayon ko lang napansin. Ang laki laki ng mansion nila este namin. Wow ang swerte ko naman kasi isa pala akong anak mayaman. Ay mayaman nga din pala ang nakilala kong mommy at daddy. Ang pagkakaalam ko ay pinamana na sakin yung mga ari-arian nila. Triple ata ng bahay namin ang mansion na ito. Sobrang laki. Malapalasyo. Hindi ko mapigilan mapahanga. "Makanganga, mapasukan ng langaw yang bibig mo haha!" -Jean Panira ng moment tong babaeng to e. Pero love na love ko yan haha. Masasabi kong mapagkakatiwalaan siya. Nararamdaman ko na tapat siya sakin. "Tse! Hin

