" MAGANDANG UMAGA LOLO, ELIAS, AT MARY " nakatingin naman si Felipe sa Bakunawa sa napaka sigla nitong bati sa tatlo. " Ano bang mayron at napaka saya mo ata? " " Kasi kagabi may pangalan ng binigay saakin si Felipe kaya sobrang saya ko " " Huh? Hindi ba't pagkapanganak sa tao may pangalan na agad kaya paano namang siya pa magbibigay sayo ng pangalan? minsan talaga palabiro ka rin " ani Mary saka nagtungo sa nakahain nilang almusal. " Ano ba yon? Ilang araw kana ngang nandito pero hindi mo pa naman sinasabi ang pangalan mo saamin " ani lolo. " Hindi naman kasi mahalaga yon at saka aalis din naman siya rito " tapik ni Felipe sa ulo ni Aoefi. " Sa katunayan napagdesisyonan kong sasama na talaga ako sayo kaya sana pumayag ka roon " pagtabi niya rito at pinilit namang binalewala ni Felip

