FELIPE POV:
HALATANG hindi siya sanay sa pagsusuot nito sa paa pero kailangan niyang masanay kung gusto niyang matutong mamuhay bilang tao pagmamasdan ko rito habang papalabas kaming mall.
" Maglakad ka lang nang ayon sa paglaalakad mo nong wala kang suot sa paa " sabi ko rito dahil para kasing naiiwan ang isang paa niya sa tuwing hahakbang.
" Mas nakakalakad ako ng maayos kung wala akong suot sa paa " pagtatangka niya ritong alisin kaya mabilis kong pinigilan.
" Kung gusto mong mamuhay bilang isang normal na tao kailangan mong masanay sa kung ano ang kaugalian ng mga tao " paliwanag ko rito at tumingin naman ito sa paa niya saka lumingon saakin.
" Sige dahil sinabi mo " tumango naman ako rito, mukha naman siyang normal kung titingnan mo pero kung ugali ang pag-uusapan halatang naiiba siya sa lahat. Sa katunayan napakaganda niya lalo na ang buhok niya at sobrang cute din ng boses.
" Kaya mo bang hanapin kung saan naroroon sina Elias? " tanong ko rito ng makalabas kaming mall dahil wala pa rito sina Elias at hindi ako yong taong may malaking pasensya para maghintay at ayaw ko nang ipasyal itong Bakunawa dahil ilang minuto lang kami sa loob pakiramdam ko ang daming nangyari.
" Oo " lingon nito saakin pagkwan bahagya itong pumikit saka nito minulat ang mata niya at ngayon ko lang napagmasdan ang mata niya kapag ginagamit niya ang kapangyarihan nito kung saan para ba itong nagkukulay asul o tubig.
" Mula rito kailangan nating lumiko ng dalawang beses pakaliwa at nandoon siya, namimili ng gulay " lingon nito saakin kaya naman nabawi ko agad ang mga tingin ko rito.
" Kung ganon tara na " paglalakad ko at naramdaman ko naman ang pagsunod niya saakin at hindi nagtagal nakarating kami kay Elias at ganon naman ang pagtataka niya ng makita ako.
" Paanong nahanap mo ako? "
" Sus! hindi naman ito kalawakan " pagsisinungaling ko dahil ang totoo, malabong mahanap ko siya kung hindi sa tulong ng Bakunawa lingon ko pa rito at natigilan ako ng wala ito sa likod ko at bago pa ako magpanic kung nasaan siya nakita kong sinusundan ako habang hindi pa rin napapakali sa paglalakad.
" Pasensya na, naiwan kita " sabi ko rito ng marating niya ako.
" Okay lang hindi naman ako mawawala kahit maiwan mo ako " tumango naman ako rito saka lumingon kay Elias, hindi ko nga kailangan mag-alala sa kanya.
" Ano yan nag-date kayo? " tanong agad ng mokong na ito.
" Tumahimik ka nga! Napaka bata mo pero napaka malisyoso "
" Yon naman ang nakikita ko " sabi pa nito saka ito tumingin sa Bakunawa.
" Nakita na kita kanina pero hindi man lang tayo nakapag-usap " paglapit niya rito " Ako nga pala si Elias " pagpapakilala pa nito at tiningnan lang ng Bakunawa ang kamay nito. Dahil hindi naman ito tao, malay niya sa pagpapakilala.
" Hindi siya friendly " sabi ko kay Elias at marahan naman itong bumalik sa mga gulayan kaya makikita mo ang pagtataka sa mukha ng Bakunawa, haist! dapat mabigyan ko na ito ng pangalan.
" Ibigay niyo na po itong kang kong ng tatlo singkwenta " pagtawad nitong si Elias.
" Naku! kanina ka pa tumatawad.. sige na kunin mo na at iabot saakin ng mabalot ko "
" salamat po " masaya nitong pag-abot sa gulay ng mabayaran niya.
" Kung ganon kaya ka natatagalan dahil diyan sa pagtawad mo? "
" Oo, kapag pupunta ka sa ganito dapat matalino ka "
" Ang sabihin mo kuripot ka lang " pagkuha ko sa ilang dala niya.
" Kailangan kasi may matira sa pera para makabili ako ng chocolates "
" Sinasabi na nga ba " iling ko rito. Kahit na matanda ito mag-isip hindi maipagkakailang bata pa rin siya.
" Pagkatapos kong bumili hihintayin natin sa may labas ng malaking gusali si Mary para makauwi na tayo " tukoy nito sa mall at natigilan ako sa paglalakad ng may marinig akong pamilyar na boses.
" Kung ayaw mong ibinta ng libre edi! kukunin ko na lang " pangbubully na naman nila Gato sa isang lalakeng nagbibinta ng manok.
" Mahal ang kapital ng manok ngayon, kung gusto mo sa mga gulay ko na lang " nagmamakaawang sabi rito ng lalake.
" Mahina ka pala mag-isip eh " palo niya rito sa ulo pero hindi naman ganon kalakas " Ang sabi ko manok " pagsipa nito sa mga gulay kaya nagsilaparan ito at natapon.
" Wag.. maawa ka " pagpulot ng lalake sa ilang kamatis nito at hindi pa rito nakontento si Gato pagkatapos tapakan ang kamatis.
" Hali ka na " paghawak ni Elias sa damit ko ng mapansin kung saan ako nakatingin " Sinuwerti ka lang sa kanila noon kaya wag mo ng ituloy ang iniisip mo paniguradong masasaktan ka lang "
" Wala naman akong ginagawa " paglalakad ko para umiwas rito kina Gato dahil kapag pinanood ko pa siya paniguradong hindi ako makakapagpigil at siguradong tama si Elias.
" Ginagalit mo pa kasi ako " sipa ni Gato sa lalake kaya lumampasay ito sa may tindahan niya " Kung binigyan mo ako kanina pa edi! sana hindi ka pa nasaktan " tawanan pa nila Gato at wala namang nagtatangkang tumulong sa lalake na para bang takot na takot ito kela Gato sa bagay ang dami nga naman nila at ang lalaki.
*****
" Nag-aalala sayo si Felipe kaya maupo ka ng maayos " napangiti naman si Felipe ng makita nito bigla ang Bakunawang tinulongan ang lalakeng manininda.
" Haist! pasaway din ba yang kasama mo? " ani Elias habang nag-aalala dahil alam na niya ang sunod na mangyayari.
" Paniguradong nabasa niya ang nasa isip ko " proud pang sabi ni Felipe.
" Ano? " mahinang dinig rito ni Elias kaya naman ngumiti lang siya " Wag mong itutuloy ang nasa isip mo " ani Elias " Dito ka lang at ako na ang makikiusap kila Gato tungkol diyan sa girlfriend mo paniguradong malaking gulo kapag nakita ka nila " ani Elias.
" Tatay mo ba yan? " ani nila Gato at natigilan sila ng makita ang kagandahan ng Bakunawa pagkatapos nitong tulongan ang lalake.
" Hindi niya alam ang ginagawa niya kaya wag niyo siyang idamay " lapit ni Elias saka lumapit sa Bakunawa pero natigilan siya ng tulongan nila ang lalake saka nila mabilis inayos ang mga sarili nila at humarap ng maayos sa bakunawa.
" Miss ako nga pala si Gato? Ikaw? " pagpapakilala pa nila at dito naman kumalma si Elias pagkatapos walang gulong nangyari.
" Hindi yan nakikipagkilala sa mga pangit na tulad niyo " at napafacepalm na lang si Elias ng marinig nito ang boses ni Felipe.
" Nandito ka rin? " nakangisi ritong tingin nila Gato.
" TSSSK! WAG KANG MAKIKIALAM RITO HA! " banta ni Gato agad.
" Paanong hindi? Hoy! makinig ka, wala man akong certificate na maipapakita pero saakin yan " sabay sabay naman silang lumingon sa Bakunawa at dahil hindi naman nito maitindihan ang pakahulogan ni Felipe sa sinabi niya kaya nakatayo lang ito.
" At saka alam mo kung wala kang pambili ng pagkain.. manatili ka na lang sa bahay at hindi ibang tao ang ginugulo mo " panimula ni Felipe " Ang laki ng katawan mo oh! hindi ka ba nahihiya? "
" Kung ganon ganyan pa rin pala ang tabas ng dila mo " asar ritong ngisi ni Gato " Hindi ka pa pala nadala sa mga nangyari sayo nong huling laban natin? "
" Nagpapatawa ka ba? Sino ba saatin ang hindi nakapasok agad dahil sa pinsalang natamo? Akala ko nga natuloyan ka na " mabilis naman na lumipad ang kamao ni Gato sa direksyon ng mukha ni Felipe pero mabilis siyang nakailag rito at agad itong sumininyas sa Bakunawa na hindi nito kailangan makialam.
" Boss! " tawag ng kasama ni Gato rito saka bumulong sa kanya pagkwan inayos nito ang sarili niya saka tumingin kay Felipe.
" May araw ka din saakin " pag-alis nila kaya ganon naman ang pagtataka ni Felipe pagkwan may mga dumating na polis at tumulong sa lalakeng manininda.
" Kagaya ng sabi namin sayo may mga batas din sa lugar natin ngunit kapag Neto na ang usapan, takot ang lahat kaya minsan sa takot ng mga tao hinahayaan na lang nila ang mga nangyayari kaya pasalamat ka at si Gato ang nakaaway mo pero kahit ganon mapanganib pa rin ang grupo niya "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Ang grupo ni Gato ay mga taong pumayag na maging alipin ng mga Neto ang kapalit ay hindi sila gugulohin o papatayin ng mga Neto " paliwanag ni Elias.
" Puwedi pala yon? "
" Oo, ngunit alipin ka nila at pagkain "
" Ano? "
" Habang buhay nilang pakikinabangan ang dugo mo ngunit kagaya ng sabi ko hindi ka nila papatayin o aalisan ng puso at nasa proteksyon ka din nila kaya nga malakas ang loob nila Gato na mambully "
" Kaya naman pala kayang kaya kong iwasan ang mga atake niya kompara sa mga nakalaban kong Neto "
" Kagaya ng sabi ko hindi maaaring malaman nila Gato na tao ka dahil gaya ng sabi ko may ugnayan siya sa mga Neto kaya sa ano mang oras na malaman niyang tao ka paniguradong kataposan mo na rin iyon dahil magiging target ka ng mga Neto " hindi naman nagsalita pa si Felipe pagkwan dumating din bigla itong si Mary pagkatapos niyang matunton ang mga ito.
" Nandito siya? " tingin nito sa Bakunawa.
" Oo, dahil tama ang hula natin girlfriend siya ni Felipe "
" Talaga? So ano tao ka ba o isang Neto? " makulit pang tanong ni Mary na siyang curious din ritong tingin ni Elias.
" Tigilan niyo nga siya at saka hindi ko siya girlfriend "
" Tssst! may certificate ka pa ngang nalalaman " paglalakad ni Elias.
" Anong certificate? "
" Muntik na yan makipagsagupaan na naman kela Gato dahil diyan sa girlfriend niya mabuti na lang may mga polis na dumating "
" MABUTI NA LANG WALANG NAIITINDIHAN ANG BAKUNAWA SA PINAGSASABI NG MGA ITO " pag-iisip ni Felipe dahil sa mga english term nila.
" Grabe napaka romantic naman nun " ani Mary.
" He!!! magsi-tigil kayo " paglalakad ni Felipe na siyang pagsunod rito ng Bakunawa na siyang habol din rito ni Mary.
" Kung ganon girlfriend ka ba talaga niya? " tanong pa ni Mary at sasabat sana itong si Felipe ng magsalita ang Bakunawa.
" Hindi ko maitindihan anong ibig niyong sabihin " tumahimik naman itong dalawa.
" Ang gusto ko baliwalain mo sila " lingon nito sa Bakunawa at kagaya ng kagustohan niya yon nga ang nangyari kaya nanahimik na din itong dalawa.