TEASER

782 Words
" Ahhhhh!!! Hangga't kailan mo ba ako susundan?! " " Hangga't ikaw ay humihinga " sagot rito ng isang tinig. " Magpakita ka baka mapagkamalan na naman akong nababaliw rito habang kinakausap ang sarili ko!!! " Sigaw ng binata at sa isang iglap nagpakita nga rito itong dalagitang kausap siya. " Makinig ka pinalaya na kita kaya bakit ako ngayon ang gusto mong perwesohin?!! Hindi ba't utang na loob mo yon saakin kaya bakit imbis na bigyan mo ako nang magandang kapalit ay ginugulo mo ako?!! " Mga sigaw niya rito pero nakangiti lang ito sa kanya ng walang emosyon kaya ganon na lang ang asar niya. " Talaga bang inaasar mo ako?!! " " Paumanhin ngunit ang wika nila ay ang pagngiti ang umiibsan sa poot ng isang tao " " Hindi naman yan ngiti!!! Pang-aasar iyan!! " Paglalakad nito dahil sa mga titig rito ng dalaga. " Paumanhin marahil madami pa akong dapat matotonan sa kaugalian ng mga tao kaya pakiusap pumayag ka nang ako'y sumama saiyo " " Ayaw ko!!! At saka puwedi ba ayosin mo ang pagsasalita mo akala mo naman naging jowa ka ni Jose Rizal sa pagsasalita mo! " " Kung papayag kang sumama ako sayo marahil matututonan ko din ang pamamaraan ng iyong pakikipagtalastasan______ " " Ayaw ko na " pag-upo nito. " Pakiusap nais ko lang matutonan ang mga bagay bagay tungkol sainyo dahil nababatid kong dito na ako mabubuhay nang matagal " " Maraming tao sa mundo kaya tantanan mo ako! " " Ngunit ikaw ang ninanais ko, ako'y iyong pinalaya mula sa pagkakakulong ko dahil sa kagagawan nang mga tao kaya nababatid kong may mabuti kang puso at higit na makakaunawa saakin " " Makinig ka hindi ako mabait at saka sino bang nagsabing tao ako?! Isa akong zombie kaya sa iba ka humingi ng tulong " " Kung ganon nais kong maging katulad mo kahit hindi maging tao na lang " " Bakit ba ako?!!! Nababaliw ka at mababaliw rin ako kapag patuloy ka pang bumuntot saakin!!! " Ganon na lang ang gulat nito nang bigla itong yumakap sa kanya mula sa likuran. " Marahil totoo ang nasa propeseya kaya wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin ako dahil nakakasigurado akong nanganganib na rin ang buhay mo, kagaya ko " napalingon naman siya sa mahina niyang bulong rito " Kapag ikaw ay nasawi maaari din akong mamatay at kung masasawi din ako ay tulad ko rin ang sasapitin mo " nanlaki naman ang mata nito sa mga sinabi niya " Kaya hindi tayo maaaring maghiwalay, ikaw ay kinakailangan kong bantayan upang protektahan " mga bulong nito " Ngunit kung ako'y iyong tatanggihan maaari kitang alisan nang buhay ngayon din upang ako'y mabuhay nang matagal " " Ano?!! Akala ko ba mamamatay ka kung mamamatay ako?! " " Ganon na nga subalit kung sarili kong mga kamay ang kukuha sa iyong buhay at aangkinin ang kaluluwa mo ay mabubuhay akong matagal at hindi kailan man mapapatay nang kahit na sino, subalit kung iba ang makakapatay sayo maaari din akong mamatay subalit kung sakali mang ikaw ang pumatay saakin maililigtas mo rin ang buhay mo " " Kung ganon kung iba ang papatay sayo o saakin ay pareho tayong mamamatay? Pero kung ako ang papatay sayo o ikaw ang papatay saakin maaaring mabuhay ang sino man saatin? " Tumango naman ito sa kanya pero ganon na lang ang takot ng binata pagkatapos maging kulay puti na para bang may asol ang mata ng dalaga saka humaba ang mga kuko nito. " Ngunit malabong ako'y iyong mapatay o kahit na sino dahil ako ang pinakamalakas sa lahat at kahit ngayon din maaari kitang patayin " hawak niya rito sa leeg pero mabilis itong lumayo sa kanya. " Sandali ako ang nagligtas sayo kaya paanong papatayin mo ako? Wa-wala kang utang na loob?! Ganon ba yon? " Ngumiti naman ito sa kanya at tulad kanina wala itong emosyon. " Kaya nga hinihiling kong magsama tayo upang mabantayan kita dahil madali ka lang nilang mapapatay at hindi ako makakapayag na ako'y mamatay dahil sa kahinaan mo, sapat na ang libong taong pagkulong saakin ng mga tao ngunit ang maulit iyon ay sisiguradohin kong pagbabayaran nila " may poot nitong sabi ngunit mararamdaman mo ang lungkot sa boses niya. " Ano bang pinasok ko?!!! Ibalik niyo na ako sa dating buhay ko at magpapakabait ako.... Oh! Sige susubokan na lang dahil masyado na tayong sinungaling sa magpapakabait! " Sigaw ng binata pagkatapos maisip na wala siyang takas rito. " Ah nevermind! Basta kailangan matigil na ang kalokohang ito!!! " Asar nitong paglalakad at dito na nga nagsimulang magkasama sila kahit saan. Ngunit hanggang kailan ba ito tatagal?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD