PAGKARATING nito sa canteen nakita agad niya si Elli kung saan ligalig ito na para bang takot na takot kaya naman pina-order na niya ng pagkain sina Elias at nagtungo rito. " Okay ka lang? " mabilis naman itong tumayo ng makita si Felipe saka nanlaki ang mata nito ng makita ang pasa ni Felipe " Ayon hindi sila umobra " sabi nito agad para maalis ang takot nitong si Elli at kagaya ng iniisip niya kumalma nga ito. " Mabuti ka pa napakatapang mo " pag-upo nito na siyang pag-upo ni Felipe sa harapan nito. " Kung ganon tama ba ang hula kong tao ka? " napalunok naman ito sa kaba dahil sa tanong ni Felipe " Kaya ka ba lumapit saakin dahil alam mo ding tao ako? " at sa pagkakataong ito napalitan ng pagkislap ang mata niya. " Kung ganon tama ang pakiramdam ko? Sabi na nga ba..! mabuti na lang "

