KINABUKASAN ay sinama na nila Mary si Yumi sa pagpasok sa school at ayon sa plano nila ay sa kanila na ito maninirahan para sa proteksyon niya dahil alam nilang nanganganib ang buhay nito ngunit dahil ang tanging diploma lang sa school ang tanging susi para makalabas sila rito kaya kinakailangan pa ring pumasok ni Yumi. " Makinig ka, aalis ka lang rito pagsinabi ko o tinawag kita dahil paniguradong sa mga nangyari nong isang araw ay hinahanap na nila Rena ang mga pumatay sa kasamahan nila " bilin ni Felipe kay Aoefi ngunit nakatingin lang ito sa kanya " Iyan ang pinag-uutos ko at kapag di ka nakinig puputolin ko ang ano mang ugnayan natin " nakasimangot naman itong tumango sa kanya " Mangako ka!? " " Pangako? " tumango naman ito kay Aoefi saka tinaas ang kanang kamay nito " sumunod ka sa

