AGAD napalingon si Felipe sa paligid at tumakbo kay Aoefi ng makita niyang naghihintay ito sa kanya sa labas ng bahay nila. " Hindi ba't nagkaintindihan na tayo na lalabas ka lang kapag sinabi ko? " nag-aalala pa niyang tingin rito dahil itinatago nila ito kela Gato hangga't wala silang naiisip na magandang gawin kapag nalaman ni Rena na nandito siya. " Hindi ko nararamdaman ang presensya nila kaya wala sila rito " at mula rito ay kumalma naman si Felipe saka naman sila iniwan nila Mary pagkatapos nilang tumuloy. " Privacy for love bird natin " lingon pa ni Mary sa mga ito at sanay na si Felipe sa pang-aasar nila kung saan hindi naman ito naitindihan ni Aoefi. " Okay ka lang ba? " bigla ritong tanong ni Aoefi. " Oo naman " nagtataka niyang tingin rito. " Kanina pa kakaiba ang nararam

