KAGAYA noong unang punta niya sa talipapa rito sa Pook Liwanag tuwang tuwa na naman si Felipe sa mga nakikita niya. " Sige, maghiwahiwalay muna tayo pero dito rin tayo magkikita mga alas kwatro nang hapon " tingin pa nito kela Elias. " Masyadong matagal yon baka gabihin tayo sa daan alam mo namang delikado rito " ani Elias kaya ganon naman ang dismaya ni Felipe " Alas tres! " tamad pa nitong sabi. " Alas doss! " titigan pa nila ni Elias at sa huli sumunod rin rito si Felipe pagkwan tumalikod na itong si Elias para mamili pero pinigil ito ni Felipe " Kunin niyo na rin kay Mary kahit anong gusto niyo " pagbibigay nito sa ilang cash niya kaya ganon naman ang pagkislap ng mga mata ng dalawa pagkwan naghiwahiwalay na sila at hindi maiwasang malingon ni Felipe ang Bakunawa kung saan may ilang

