Chapter 6

1693 Words
Chapter 6: NAGKAKAYAYAAN na sila Heylie na umuwi pagkatapos nilang manood ng sine at kumain uli. Nasa parking na silang apat para maghiwalay pauwi. "Sige bye, ingat guys ha?! Kita nalang tayo sa Monday. Nathan si Heylie ha?" turo ni Jaymie kay Nathan. "Yes." tango naman nito kay Nathan. "Bye, friend. Ingat kayo" paalam ni Jaymie sa kanilang dalawa ni Nathan. "Nathan! alis na kami" kaway naman ni Nolan at pinaandar na nito ang sasakyan paalis. "Tara na. Maggagabi na" sabi ni Heylie. Kaya pumasok na silang dalawa ni Nathan sa sasakyan nito. "Ah! may naisip kana bang pangalan ng Teddy bear?" tanong ni Nathan sa kanya habang nagdadrive ng sasakyan ito. "Heynat? kaya?" Tingin ni Nathan sa kanya. "or Thanlie?" dagdag pa nito. "Naylie?" tingin niya kay Nathan. "Okey. She's Naylie Romero Santiago. Bagay ba?" nakangiting tanong ni Nathan sa kanya. "Pwede na." sabi ni Heylie at napatingin sa labas ng bintana. Pasimple siyang napangiti. HUMINTO ang sasakyan ni Nathan sa tapat nang gate nang bahay nila Heylie. "Thanks nga pala sa bear ha?" lingon niya kay Nathan. "Basta ikaw." sabi ni Nathan at kumindat pa ito sa kanya. "Bukas, susunduin kita para maibigay natin 'to sa mga bata" lingon ni Nathan sa backseat na kung nasaan nakalagay ang mga stuff toys. "Sige" tango niya habang tinatanggal ang seatbelt niya, pagkatapos niyang matagal. Lumabas na rin siya sasakyan habang yakap si Naylie. "Goodnight, see you tomorrow. Eight AM" sabi ni Nathan sa kanya. "Sige. Ingat!" kaway ni Heylie habang hinihintay itong makaalis pero hindi pa rin ni Nathan pinapaandar ang sasakyan. Kaya lumapit si Heylie sa bintana ng sasakyan nito. "Bakit may problema ba?" tanong niya kay Nathan. "Pumasok ka muna kasi" sabi ni Nathan medyo nagulat siya. Pero sinunod na lang niya ito at naglakad na pumasok siya papasok. Pagpasok ni Heylie sa loob ng bahay, hindi pa rin niya narinig ang pag-alis ng sasakyan ni Nathan. Kaya nagmagaling umakyat si Heylie sa kanya kwarto. Binuksan niya ang ilaw ng kanyang kwarto at nilapag niya si Naylie sa kanyang kama at ang kanyang gamit na bag. Tumingin si Heylie sa may bintana ng kanyang kwarto para tignan si Nathan. Nakita niya ang pag-andar ng sasakyan ni Nathan. Napabuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa bear na nasa kama niya. "Okey. She's Naylie Romero Santiago. Bagay ba?" nakangiting tanong ni Nathan sa kanya. Hindi niya napansin na napangiti na pala siya ng maalala ang taong nagbigay sa pangalan ng bear na nasa harapan niya ngayon. Nilapitan niya ang bear at niyakap ito. KINABUKASAN nagising si Heylie sa liwanag ng sikat ng araw. Kaya nakusot niya ang kanyang mata para luminaw ang kanyang paningin. Nagmadaling na rin siyang pumasok sa kanyang banyo para makapagbihis. Pagkatapos niyang magbihis at mag-ayos ay bumaba na agad siya sa baba ng kanilang bahay. "Good Morning, Miss Heylie" nakangiting sabi ni Patima sa kanya habang naglilinis ito. Ngumiti lang si Heylie bilang sagot dito at naglakad na uli. "Magandang Umaga, Miss Heylie" nakasalubong ni Heylie ang naglalaba sa kanila at ngumiti rin siya dito. Pagkapasok ni Heylie sa may kusina may nakita siyang taong nakatalikod, na sigurado siyang kilala niya, kung sino ito. "Anong ginagawa ml dito?" tanong ni Heylie. Nakita niya ang pagkagulat nito. "Aray!" lumayo ito sa ginagawa habang nakatingin sa daliri nito. Lumapit si Heylie dahil nakita niyang napaso ito. "S-Sorry, nagulat kita" alalang sabi niya. Bahagyang tumawa si Nathan sa kanya. "Okey lang, basta ikaw" nakangiti pa rin ito. Bumalik ito sa pagluluto kaya pinagmasdan niya ito. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong niya uli. "Si Manang Beth may sakit daw kasi" lingon ni Nathan. "Ano?!" gulat na tanong ni Heylie kay Nathan dahil sa pag-aalala. "Nasa siya ngayon?" "Nasa bahay nila nagpapahinga, kaya ako muna ang nagluto". Nilagay ni Nathan sa harapan nila ang ham at ang itlog sa may lamesa. "Para sa'yo mag-breakfast kana" nakangiting sabi ni Nathan. "Salamat. Puntahan muna natin si Manang beth bago tayo pumunta sa Orphanage ha?" sabi niya. "Sige" tumango si Nathan at naupo sa harapan niya. "Kain kana" taas kilay nito. Kumain naman si Heylie, kahit na naiilang siya kay Nathan. "Ayaw mo bang kumain o sumabay sa akin?" yaya niya kay Nathan pero umiling lang ito. Kaya kumain na lang si Heylie habang nakatingin sa kanya si Nathan. MATAPOS kumain ni Heylie ay nagkwentuhan muna silang dalawa ni Nathan. Medyo maaga pa naman kung tutuusin. "Napansin ko sa picture volleyball player ka pala?" tingin ni Nathan sa kanya. "Oo. noong high school ako" "Bakit hindi ka sumali, magtranning ka para naman may kabubusyhan ka" 'Sasali sa volleyball? pero wala na sila Mom...' sabi ni Heylie sa kanyang isip. "Nang hindi ka nalulungkot madalas" dagdag pa ni Nathan. "Pag-iisipan ko" sabi niya. "Tama yan" ngiti nito. "Ano tara na?" yaya ni Nathan sa kanya at tumango naman si Heylie. Naglakad na sila palabas ng bahay. Sumakay sila sa sasakyan ni Nathan papunta sa bahay nila Manang beth bago pumunta sa orphanage. "TAO PO!" tawag ni Nathan ng makarating sila sa tapat ng bahay ni Manang Beth. "Oh! Nathan?" Nakita ng babae si Nathan. "Miss Heylie, kayo po pala." baling nito sa kanya. "Si Manang Beth po?" "Nasa loob, Tara pasok kayo" kaya pumasok sila ni Nathan."Tara, sa kwarto ni Nanay." yaya ng babae. Nagkatinginan sila Heylie at Nathan papunta sa may kwarto. Nang makita ni Heylie na tulog si Manang Beth ay lumabas na rin agad siya. "Ate, kung meron pong kailangan si Manang Beth. Wag po kayong mahiyang magsabi." "Salamat Heylie. Mabait ka pala talaga" Ngumiti lang siya sa sinabi nito. 'Mabait pala ako, pero kinuwa niya sa akin ang pamilya ko. May mali ba sa akin?' "Sige ate Bella, aalis na po kami. Babalik na lang siguro kami" paalam ni Nathan dito at naglakad na sila palabas. "Sige, ingat kayo ha?" nakangiting kaway ni Bella sa kanila habang nakatayo ito sa may pintuan. Pumasok na sila ni Nathan sa may sasakyan at pinaandar na nito Nathan paalis. PAGKARATING nila Heylie sa orphanage, nakita nila nanaglilinis ang mga bata. Nang makita rin silang dalawa ni Nathan ng mga bata. "Sila Ate Ganda at Kuya Nathan!" sabi ni Henry ng makita sila nito. Naalala ni Heylie si Henry dahil kapangalan ito ng kapatid niya at ito ang batang nakakita noong hindi napigilan ang maiyak. "Hi!" kaway ni Heylie sa mga ito. "Buti naman po hindi na kayo umiiyak" nakatingin sabi nito sa kanya. "Oo nga eh!" nakangiting niya. "May pasalubong kami sa inyo!" sigaw ni Nathan, tinaas nito ang paper bag na hawak nito. "Wow! ang dami naman po ng mga yan" "Syempre!" mayabang na pagkakasabi ni Nathan na ikinangiti ni Heylie at ikinailong niya. "Nakuha namin yan mga yan sa paglalaro namin, kaya sa inyo nalang." sabi ni Heylie. "Sa loob tayo dali.." tumakbo si Nathan papunta sa loob habang kasunod ang mga bata. "Ate! Tara na po" hawak sa kanya ni Henry. "Sige tara" Hinawak nito ang kamay niya. 'I missed my little bro'. "Wait! Ahh!... gusto mo ba ng chocolates?" sabi niya. "Opo." Nanlaki ang mata nito dahil sa sobrang excited. "Meron ako dito but, isa lang to. I-share mo nalang or—?" mapapabili tingin niya kay Manong Guard na nakatayo. "Sandali.." tinext ni Heylie ang kanyang driver na si Manong Alponzo upang utusan ito na bumili ito ng chocolates para sa mga bata "Heylie!.. Henry!? Ano pang ginagawa n'yo dyan?" Sabi ni Nathan. "Wait!" inabot niya kay Henry ang chocolate. "Nagpabili na ako, para sa iba. Pero habang wala pa mag-share ka sa iba" "Opo ate" masayang sabi nito. "Lets go?" naglakad na silang tatlo habang nakaakbay siya kay Henry. Pumasok na sila sa loob at nakita niya ang mga bata na may kanya-kanya ng hawak na stuff toys. "Thank you, Ate Heylie" sabay ng mga itong sabi. "Kaming dalawa ng kuya Nathan n'yo ang kumuga niyan para sa inyo" sabi niya. ILANG ORAS na ang nakalipas, nang paglalaro ng mga bata kasabay naman ng dumating ni Manong Alponzo. "Dito pala kayo pumupunta sa Care of Child." sabi ni Mang Alponzo habang hawak ang dalawang plastic. "Ito po pala ang pinapabili n'yo" "Sa loob tayo, Manong para maibigay sa mga bata yan chocolates" sabi niya. "O? Heylie, pinabili mo ang mga 'to?" turo ni Nathan sa hawak ni Manong. "Tulungan ko na po kayo" kinuwa ni Heylie ang isang plastic. "Si Henry lang kasi ang nabigyan ko ng chocolate. Kaya nagpabili ako para sa iba." sabi niya. "Ang bait mo talaga" iling-iling na sabi ni Nathan sa kanya. Ngumiti lang siya sa sinabi nito. "Pasok na tayo" sabi ni Heylie at naglakad na sila papunta sa loob. Masaya siya sa nangyayari at sa papamimigay niya ng chocolates sa mga bata. Lalo kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga ito. Bigla niya naaalala ang ngiti ng kapayid niya at masasayang araw na kasama nita ang pamilya niya. 'Sana masaya kayo sa ginagawa ko' Pagkatapos nilang maipamigay ang lahat chocolates. Masayang naupo si Heylie habang katabi niya Nathan. "You smile.. That's good" napatingin siya kay Nathan. "Masaya lang ako, Nathan. Thank you for bring me here, kahit hindi naman tayo lubos na magkakilala noon" sabi niya. Nakita niyang ngumiti ito. "Lagi ka nalang nagti-thank you sa akin." hinawakan ni Nathan ang kanyang mukha. At nilapit nito ang mukha nito sa kanya habang nakangiti ito at nakatingin sa mata niya. "Thank you din, kasi nakikita na kitang masaya, hindi katulad noon. Thank you Heylie Romero at pinagkatiwalaan mo ako pumasok sa buhay" tingin nito sa mata niya. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay unti-unti nitong nilapit ang mukha nito sa kanya at hinalikan siya nito sa noo. Napatingin siya sa mga mata ni Nathan at nakatingin rin ito sa kanya. "Always smile and be happy. Okey? Enjoy your life, Heylie" sabi ni Nathan at ngumiti. Tumayo na si Nathan at naglakad na ito palayo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla na lang siyang napangiti habang sinusundan ng tingin si Nathan. Pumunta ito sa mga bata at nakipaglaro ito. 'Ang bait n'ya talaga'. hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin kay Nathan. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD