Chapter 1

2045 Words
Chapter 1: TAHIMIK na nakaupo si Heylie sa tapat ng puntod nang kanyang magulang na sila Hanna Lee-Romero at Harris D. Romero at kanyang kapatid na si Henry L. Romero. 'Sana nandyan rin ang pangalan ko' sabi niya sa kanyang isip habang nakatingin sa puntod ng mga ito. Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang aksidente na nagpabago sa masaya buhay ni Heylie. Nang maalala ni Heylie ang mga huling araw na masaya siya, kasama ng kanya pamilya. "IHA!, gumising kana!" rinig ni Heylie sa boses ng kanyang ina na si Hanna. Kaya napa-upo siya sa kanyang kama, habang pungas-pungas ang mga mata niya. "Ate!.. Happy Birthday!" nakangiting bati ng kanyang kapatid na bunsong si Henry. Sabay talon nito sa kanyang kama at lumapit sa tabi niya. "Thanks, my bro!" naka-ngiting yakap niya sa kanyang nakababatang kapatid. "Ate! dalian mo na bumangon kana dyan!" excited na sabi nito. Agad itong kumawala sa pagkakayakap niya at agad siyang hinila nito para makatayo sa kanyang kama. "Sandali lang" nakangiting sabi ni Heylie, ngunit hila parin siya nito patayo sa kanyang kama. "Magbabakasyon tayo nila Mom at Dad, dahil birthday mo. Excited na ako ate!" Masayang sabi nito. "Birthday ko, bakit ikaw ang excited?" Hawak ni Heylie sa ulo nito at ginulo-gulo pa ang buhok ng kapatid. "Eh! syempre bakasyon yun. Hindi kaba excited ha?" iniwas ni Henry ang kanyang kamay sa paggulo niya sa buhok nito. "Excited naman ako, kung di ka sana kasama" napatingin pa si Heylie sa kanyang ina. "Mom, wag na kaya natin isama 'tong si Henry?." turo ni Heylie sa kanyang kapatid. Lumapit naman ang kapatid sa kanyang ina. "Mom, hindi po pwede wala akong kasama dito" hinila-hila ng kanyang kapatid sa damit ng ina. Tumingin naman si Hanna ang kanyang ina sa kanila magkapatid. "Si Ate Heylie ang magde-decide kasi siya ang may birthday" kaya tumingin si Henry sa kanya. "Ate, sige na sama mo na ako please!?" nakangiting sabi nito. Naglakad si Heylie papasok ng kanyang banyo. Habang pinipigilan niya ang pag-ngiti at pagtawa dahil naku-cute-an siya sa expression ng mukha nang kanyang kapatid. "Pag iisipan ko" sabi ni Heylie sabay sarado nang pinto ng kanyang banyo. Habang naririnig pa rin. niya ang pagkatok at pangu-ngulit ng kanyang kapatid. "Ate, isasama mo naman diba ako?" Hindi sinagot ni Heylie ang kapatid, naghilamos at nag-bihis na lang siya. Pagkalabas ni Heylie sa kanyang banyo. Nakita niyang nakaupo ang kapatid sa lapag na halatang hinihintay siya nito. "Ate!" tumayo nito ng makiya siya at lumapit sa kanya. "Isasama mo naman diba ako?" "Sige na nga..." nakangiting sabi ni Heylie. "kawawa naman ang cute kong kapatid" pisil niya sa pisnge ng kapatid. "Yes!" Nakangiting sabi nito na parang gusto pang tumalon sa saya. "Lets go na nga, para makakain na tayo ng breakfast, baka pumayat ka pa. Wala na ako makurot" naglakad na sila Heylie palabas ng kanyang kwarto. Pagkababa nilang dalawa, nakita ni Heylie na nakahanda na ang kanilang mga gamit na dadalhin para sa pag-alis. "Happy 18th birthday, my Princess" bumungad sa kanyang ang kanyang ama, habang may hawak-hawak itong kulay pink na cake. "Thanks. Dad!" nakangiting lapit niya sa kanyang ama. "Blow your candle." nilapit nito sa kanya ang cake. "And make a wish" Pumikit naman si Heylie para mag-wish at magpasalamat. 'Thanks God wala na po ako mahihiling, kayo na po ang bahala' dumilat siya at napangiti. Hinipan na niya ang kadila ng cake. "Ate! kainin na natin yang cake mo!" sabi ng kapatid sa kanya. Tinusok ni Heylie ang icing ng cake. "Oh! kainin mo!" lapit niya sa kanyang darili na may icing sa mukha ng kanyang kapatid na walong taon. Tumawa pa si Heylie sa kanyang ginawa "Your so cute". "Ate naman eh!" nakasimangot na sabi ng kanyang kapatid at tinawanan niya lang ito. Inuliy niya pa ang paglagay sa mukha nito. "Ate, tama na yan. Tara na dito at kumain na tayo. Lumiliit na tiyan ng kapatid mo oh!.." turo ng kanyang ina sa tiyan ng kapatid. "Kayo ha? inaaway ninyo ang bunso natin. Pag-hindi yan ginanahang kumain bahala kayo?" sabi ng kanyang ama na si Harris at nilapag ang cake sa lamesa. Nakita niya at na magulang na mas lalon pang sumimangot si Henry dahil sa sinabi ng ama. Kaya nagsitawanan sila. "Tara na nga ,my bro" akbay niya dito. Ngunit nakasimangot pa rin ito. Kaya umupo siya sa harapan nito at pumantay sa taas nito. "Sa'yo na yung kalahati ng cake, o ano? sisimangot ka pa?" nakangiting tanong niya sa kapatid. "Talaga ate?" nakita niya ang pagliwanag ng mga mata nito. "Yup!. Ayaw mo pa ba?" tayo niya at naglakad na para umupo sa upuan na kaharap ng magulang. "Gusto ko ate!" excited sabi nito at naupo sa tabi niya. "Ikaw talaga Baby Henry ang takaw mo talaga" sabi ng kanyang ina sa kanyang kapatid. Habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang ama s plato nito, na agad rin namang umupo. "Hayaan mo na Hon. Mawawalan kayo makukurot kapag pumayat yan si Henry" nakangiting sabi ng ama. Kaya nagsitawanan uli sila. NAPAIYAK si Heylie nang maalala ang isa sa mga huling masayang alaala ng kanya magulang at ng kapatid. "Bakit ninyo po ba kasi agad ako iniwan?! Sa-Sana isinama ninyo na lang rin ako para hindi na ako nag iisa dito." nakayuko sabi niya habang natingin sa puntod ng kanyang pamilya. "Ang unfair ninyo, si Henry sinama ninyo, ako iniwan n'yo akong ditong ng nag-iisa." sabi niya, habang pinunasan ang kanyang luha sa pisnge."Sabihin ninyo naman na isunod na ako sa inyo, ang hirap dito Dad, Mom, my bro. Sobra!" sabi ni Heylie. Habang naninikip na ang kanyang pakiramdam dahil sa nararamdamang sakit at pangungulila sa kanya pamilya. "Bakit kasi-bakit kasi nagpaiwan pa ako?!" nag-sisising tanong niya sa kanyang sarili. Noong mangyari ang araw na gusto at ayaw na niyang balikan. NANG makarating sila Heylie sa probinsya ng kanyang ina na minsanan lang nilang kung puntahan. "Wow ang ganda naman dito" sabi niya habang nakasilip sa bintana ng sasakyan. Nakatingin siya sa malaking bahay na may mga puno sa gilid. "Mom, nagugutom na po ako" sabi ni Henry habang hawak hawak nito ang tiyan. Kaya napalingon si Heylie sa kanya ina. "Naku!, paano ba yan naubos na ang baon nating pagkain?" sabi ng kanyang ina. "Mom, wala po bang tao sa loob para makapagluto para kay Henry o kayo na lang po? kawawa naman ang bro ko." lumapit siya sa kapatid at niyakap ito. "Nasa day off kasi yung mga kasam-bahay, bukas pa ang dating nila. Nakaliktaan ko kasing sabihin na ngayon araw tayo pupunta. Pero nandyan naman yung nag-aayos ng garden. Pero walang magluluto, tyka mukhang hindi na makakatiis itong kapatid mo" "Mom, masakit na po ang t'yan ko sa gutom" angal ni Henry habang nakasimangot pa ito. "Mom, may malapit na grocery pumunta muna tayo" singit ng kanyanh ama habang buhat-buhat ang bagahe nila. "Okey lang kung maiwan ka muna, Princess?" nakatingin ito sa kanya. "Sama po ako" pilit niya sa ama. "Paano yang mga gamit natin nailabas ko na at ng Dad mo?" turo ng kanyang ina sa mga gamit. "Mukhang nasa likuran pa si Manong Oscar. Maiwan ka muna sandali lang naman kami" napatingin siya sa kapatid na nakasimangot. "Osige na po Mom, maiwan nalang ako" sabi niya. "Osige, My Princess, mag iingat ka dito ha?" sabi ng kanyang ama na napakunot naman ang kanyang noo. "Dad? kayo po ang maingat okey?" sabi niya at humalik naman sa kanyang noo ama. "Sige! Heylie, babalik agad kami" sabi ng kanyang ina. "Ate, ba-bye!" kaway ni Henry sa kanya at kumaway rin siya sa kapatid. Hanggang sa umaandar ang sasakyan at naiwan na siyang nag-iisang na nakatayo sa labas ng bahay. ILANG minuto ang nakalipas at narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. "Hello! Mom," agad niyang sagot sa tawag nito. "Haylie, pabalik na kami nakita kana ba ni Manong Oscar?" "Hindi pa po" sagot niya. "Ganun ba? sige malapit na kami, ingat d'yan ha? love you" "Love you po," "Ate! love you din" rinig niyang sabi ni Henry, kaya napangiti si Heylie. "I love my bro, dalian ninyo ha?" "Sige ate!"narinig niyang sabi ni Henry. "Sige na, iha , bye!" sabi ng kanyang ina. ILANG oras nang nakakalipas hindi pa rin nakikita ni Heylie ang kanilang sasakyan na dapat ay nakabalik. Kaya tinawagan niya ang kanyang ina. "Mom, answer my calls" sabi niya habang hindi mapakaling sa kanyang kinakatayuan. Naglakad siya nang balik-balik habang nasa tenga ang kanyang cellphone. Ngunit busy tone lang ang kanyang naririnig. Hanggang sa mag-ring ang kanyang phone. "Hello? mom, nasaan na po ba kayo?" Kinakabahang tanong niya. "Papunta k-kami s-sa hospital 'Ma'am wag na po kayong magsalita' anak--"natigilan siya sa kanyang narinig. "yung bata!.." biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang kapatid na si Henry. "Mom!, Mom! . Anong ang nangyayari?" naputol ang tawag nito. "Miss Heylie?. Kayo po pala yan. Akala--" hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita ni Manong Oscar. "Saan po ang malapit na hospital dito?" "Isang hospital lang--" "Samahan n'yo ako Manong, alam kong nandoon po sila Mommy" lakad niya. "Ho?! dito po" tumakbo ito, kaya naman sinundan niya ito. Nang makarating sila sa sasakyan ay nagmadali naman nitong pinaandar. Mabuti nalang ay walang masyadong sasakyan kaya napa-bilis ang kanilang biyahe papunta sa hospital. Nang makarating sila sa may hospital, agad na tumakbo si Heylie papasok sa loob. Nang makita niya ang kanyang ina na tulak-tulak ng mga nurse. "Mom!" tumakbo siya palapit sa ina habang umiiyak. "Heylie--i-i love y-you" at dahan-dahan itong pumikit kasabay ng pagluha nito. Umiiling-iling siya. " No...Mom!.." hawak niya sa kamay nito. "Wala na ang pulso ang pasyente" napatingin siya sa kasunod higaan na tinatakbo rin ng mga nurse. Napatakip si Heylie ng kanyang bibig ng makita niya ang kapatid. Nanghihina ang kanyang tuhod sa nakikita dahil sa dugo sa katawan niyo. Pero lumapit parin siya sa kapatid. "Henry! oh... god!" nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang luha. Nakikita niya rin na wala itong malay. "My Princess" narinig niya ang boses ng kanyang ama. Lumapit si Heylie sa kanyang ama. "Dad?, what happened?" patakbo rin siya katulad ng mga nurse. "Mag iingat ka ha?" sabi nito habang nakangiti. Umiling-iling siya dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. "A-Ano ma--mangyari, My Princess." nakita ni Heylie na nahihirapan na itong na mag-salita. "M-magpakatatag ka. I-I love you. Babantayan kita m-my princess" pakatapos nitong magsalita, ngumiti ito at dahang-dahang pumikit. 'No. No. God, please! not now, not them. I'm not ready for this. Please! Lord God. Gagawin ko ang lahat basta wag mo lang silang kukunin sa akin.' dasal niya sa kanyang isip. "Miss!.." napatingin si Heylie tumawag sa kanya. Yung isa sa mga doctor na umasikaso sa kanyang pamilya. "Kayo po ba ang kamag-anak ng naaksidente?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Yes" sagot ni Heylie at napatayo siya sa kanyang inuupuan. "Okey na po ba sila?" tanong niya. "Sorry Miss, pero wala na kaming nagawa" sabi nito at yumuko pa. Napatigil si Heylie dahil hindi matanggap ang narinig mula sa Doctor na kanyang nakausap. Umiling siya. "Hindi!. Nag-aral at binabayaran pa kayo kung wala naman pala kayong magagawa para sa pamilya ko!" sigaw niya. "Sorry Miss" nakatingin ang Doctor sa kanya habang napapatingin rin ang ibang tao na nakakita sa kanya. Umiling siya. "No!." agad niyang tinulak ang doctor at pumasok siya sa loob ng emergency room. "Miss, bawa--" "Don't touch me! Mom, please?! I'm here pa po.Gumising na po kayo." nakayakap siya sa walang buhay na ina. Pinuntahan rin naman niya ang kapatid at ang ama na naparehas rin na nakahiga at wala na ring buhay. Iyak ng iyak si Heylie sa kanyang nakikita. PAHIKBING nagising si Heylie sa kanyang kinauupuan sa sementeryo at napalingon siya sa paligid. Napabuntong hininga siya at napatayo sa kanyang kina-uupuan. "Mom, Dad, and my bro. Uuwi muna ako ha? dadalaw na lang uli ako bukas" sabi niya at naglakad na papunta sa sasakyan. "Miss Heylie!" tawag nang kanya driver na nag-aalala sa kanya. Sumakay na siya sa sasakyan, at tumingin sa may bintana. "Uuwi na po ba?" tanong nito. Tumango lang siya bilang sagot dito. PAGKARATING ni Heylie sa kanilang bahay ay agad siyang dumeretso sa kanyang kama para magkulong at umiyak na naman uli. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD